Bakit dapat mo piliin magmahal ng isang dayuhan? Pinay, inilatag ang napakaraming dahilan - The Daily Sentry


Bakit dapat mo piliin magmahal ng isang dayuhan? Pinay, inilatag ang napakaraming dahilan





Mapapa ‘sana all’ ka na lang sa tugon ni Antonia Fitzgerald sa tanong sa kanya na “Why Afam?” o bakit isang “White Foreigner” ang kanyang pinili na maka isang dibdib at makasama sa habambuhay.


Ngunit bakit nga ba isang dayuhan ang bumihag ng kanyang puso at paano sya nakapagdesisyon na pumayag maging kabiyak ng isang banyaga? Ito ang mga katanungan na binigyang kasagutan ni Antonia sa pamamagitan ng isang Facebook post.







Sa Facebook group na Tourism Problems, ibinahagi ni Antonia ang kanyang natutunan sa apat na taon niyang pakikipag-relasyon sa isang Afam. Sa nasabing post ay inilatag din ng pinay ang napakaraming mga dahilan kung bakit worth it magmahal o piliin ang isang dayuhan. 


Ayon kay Antonia, hindi ka basta-basta hinuhusgahan ng mga Afam. Aniya, walang problema sa kanila kung mayaman o mahirap ka, single mom ka man o isang independent woman, palamunin, matalino o bobo ka man.


“Compatibility is above everything sa kanila. They will pursue you no matter what”.





Dagdag pa niya, madaling kausap ang mga ito dahil honest o straight to the point sila kaya naman wala nang mahabang usapan o paligoy-ligoy pa.  


“What you see is what you get. So, pag hindi ka gusto, hindi ka talaga paasahin, walang drama. Good thing, right?”.


Ibinahagi rin ni Antonia na mahilig makipag-date ang mga Afam pero, kapag nakipag-relasyon na ang mga ito sa iyo ay may 90% na na pakakasalan ka na nila dahil ayaw daw nilang mag-aksaya ng oras. 


“They have hobbies and work so they focus on that instead of minding other women outside your relationship”.


Pagpapayo pa ni Antonia sa mga taong single at hinahanap ang kanilang partner in life, “[they are] Very responsible! If you find the right Afam, it will change your life! Sa mga naghahanap, HIGHLY RECOMMENDED! Get yours na mga sis!”.


Basahin ang buong Facebook post ni Antonia:





"Why Afam?" Based on my 4years personal experience in this relationship. 


No judgment. If you're rich or poor, single mom, independent woman,palamunin,matalino,bobo kaman or whatever. Compatibility is above everything sakanila. They will pursue you no matter what.


What you see is what you get. So pag hindi ka gusto, hindi ka talaga paasahin.Walang drama.Good thing right!





They love dating! Pero pag nakipagrelationship na sayo meaning 90% of it is he will marry you because they hate wasting time.They have hobbies and work so they focus on that instead of minding other woman outside your relationship.


Very responsible! If you find the right afam. It will change your life!

Sa mga naghahanap. HIGHLY RECOMMENDED ! Get yours na mga sis!!!

Take note: 1st requirement Lumandi kana!