Binansagang 'Alas Pogi' ng Pelikulang Pilipino, ito na pala ang buhay ngayon ni Ace Espinosa - The Daily Sentry


Binansagang 'Alas Pogi' ng Pelikulang Pilipino, ito na pala ang buhay ngayon ni Ace Espinosa



 

Larawan mula sa mubi

Hindi naman magpapahuli sa usapang bakbakan ang nag-iisang 'Alas Pogi' ng pelikulang Pilipino na si Ace Espinosa, ang dating sikat na action star noong taong dekada nobenta.


Nagsimulang pasukin ni Ace Espinosa ang pag-aartista taong 1986 kung saan ay napabilang muna siya sa Philippine television show na 'That's Entertainment', ito ang kanyang naging stepping stone para maipakita ang kanyang natural talento pagdating sa pag-aartista.


Matatandaan na sa kanyang mga naging naunang proyekto ay gumaganap lamang siya bilang isang supporting actor ng mga pelikula, hanggang sa napansin ng karamihan ang kanyang malakas na dating at natural na talento sa ma-aksyong palabas sa telebisyon.

Larawan mula sa peoplepill

Larawan mula sa peoplepill

Dahil dito ay kaagad siyang nabigyan ng pagkakataon upang bumida sa sarili niyang pelikula nang sa ganoon ay lalo pa niyang mapatanuyan ang kanyang tunay na telento sa pagdating sa larangan ng pag-arte.


Tinatawag na 'Alas Pogi' si Ace Espinosa dahil sa pagkakaroon ng matikas na pangangatawan at magandang lalaki, kung kaya naman palagi siyang pinagkakaguluhan sa pampublikong lugar ng kanyang mga taga-hanga lalong-lalo na ng mga kababaihan na talaga namang hangang-hanga sa kanyang ka-gwapuhan.


Matatandaan din na isa si Ace Espinosa sa mga nagpa-uso noon ng kanyang signature hairstyle na flat top na talaga namang bagay na bagay sa itsura at pigura ng kanyang pangangatawan.

Larawan mula PBO

Larawan mula PBO

Lumipas ang ilang taon ay napangasawa ni Ace ang dating beauty queen na si Maricel Morales na madalas niyang maging kapareho sa kanyang mga pinagbidahang pelikula.


Nagbunga ang kanilang pag-iibigan ng isang lalaki at isang babae na ngayon ay binata at dalaga na.


Subalit matapos ang apat na taong pagsasama ng dalawa ay hindi pinalad ang kanilang relasyon at naghiwalay din sila, ngunit sa kabila nito ay nananatili naman silang magkaibigan.


Sa ngayon ay masaya ng namumuhay ang 52 taong gulang na beteranong aktor sa bansang Canada kasama ang kanyang bagong kinakasamang babae.

Larawan mula sa xwhos

Larawan mula sa xwhos

Makikita sa mga larawan na kahit ganito na ang kanyang edad ay napanatili pa rin nito ang kanyang matipunong katawan at wala pa rin kupas ang kanyang gandang lalaki looks.

Larawan mula sa xwhos

Minsan ay umuuwi siya ng Pilipinas upang makasama ang kanyang mga anak at iba pa nitong kapamilya sa buhay.


***