Caridad Sanchez, sa edad na 89 ay nagagawa pa nitong mag boxing at tumakbo - The Daily Sentry


Caridad Sanchez, sa edad na 89 ay nagagawa pa nitong mag boxing at tumakbo



 

Larawan mula sa Showbiz

Hindi na bago saatin na kasama na sa pagtanda ng tao ang paghina ng katawan, pagkulubot ng mga balat at pagiging makalimutin sa ilang bagay.


Madalas ay nasasasaksihan natin ang mga ito sa ating mga lola at lola na onti-onti ang kanilang paghina ng mga buto-buto, ngunit meron pa rin naman iba na tila hindi nagpapadala sa kanilang katandaan dahil mas pinipili nilang maging malakas ang katawan katulad na lamang ng pagkain ng masusustansya at regular na ehersisyo.

Larawan mula sa showbiz

Larawan mula sa showbiz

Katulad na lamang ng isang batikang aktres na si Caridad Sanchez na hindi nagpapatalo sa katandaan at pinipilit pa rin nitong maging malakas sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo.


Si Caridad ay 89 taong gulang na ngunit mapapanuod sa video na in-upload ng kanyang anak na si Alexander Joseph Sanchez-Babao ay mapapansin na tila napaka-lakas pa nito habang siya ay nag-jojogging.


Nakakamangha na isipin na sa kanyang edad ay nagagawa pa niyang tumakbo at mag-jogging. Talaga nga namang naka-focus si Caridad para alagaan ang kanyang sarili at i-maintain ang kanyang healthy lifestyle.

Larawan mula sa showbiz

Larawan mula sa showbiz

Kahit na namimiss ng beteranang aktres ang pag-arte sa telebisyon ay mukha namang kuntento na ito sa kanyang buhay ngayon lalo na at kasama naman niya sa kanilang bahay ang kanyang pinaka mamahal na anak na si Alexander Joseph.


Kwento ng kanyang anak ay madalas na rin daw ang pagiging makakalimutin ng kanyang ina dahil sa katandaan nito ngunit masaya pa rin siya dahil kahit na ganoon ay aktibo naman ito sa ibat-ibang ehersisyo tulad ng pag-boboxing at pagtakbo.


“Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa white plains parang bundok. May Kasama nga lang. Kasi ingatan Namin ang Bali senior na eh. Hingal din Yung Kasama Niya na 26year old hahahaha,” ayon kay sa kanyang anak.

Larawan mula sa showbiz

Larawan mula sa showbiz

Talaga nga naman nakakamangha ang ipinapamalas na ito ng beteranang aktres at sana ay magsilbi itong maging isang inspirasyon sa lahat ng ating mga lola't lolo na huwag panghinaan ng loob kapag tumatanda na.


Panoorin sa ibaba:

***