Dream wedding ng isang Pinay, sinira lang umano ni Bff sa araw mismo ng kanilang kasal! - The Daily Sentry


Dream wedding ng isang Pinay, sinira lang umano ni Bff sa araw mismo ng kanilang kasal!




Mainit na usap-usapan ngayon ang inilabas na saloobin ng isang Pinay tungkol sa kinahinatnan ng pinakahihintay at inaasam-asam niyang dream wedding sa kanyang napangasawang foreigner, na nauwi lamang sa aniya'y pinakatatakutan niyang bangungot matapos umanong harap-harapang inaahas ng isa ring Pinay, na ipinakilalang malapit na kaibigan lang ng kanyang banyagang asawa. 


Hindi na mapigilan si Jorryme Vodisek ang sarili sa kinikimkim na galit at lungkot dahil sa araw pa mismo ng kanyang kasal ay malakas na ang kutob niya at marami din daw ang nakakapansin at nakakakita sa kakaibang pakikitungo at pagiging malapit ng isang pinay na si Shaira Mae Boyonas sa kanyang asawa na si Ales Vodisek.


Imbes na hihilingin na sana'y hindi na matapos ang pinakamasayang araw ng kasal, ay tila naging pinakatamatagal na oras para kay Jorryme na gusto nalang wakasan at matapos kaagad ang kasalan dahil siya na ang nahihiya hindi lang para sa sarili kundi maging sa kanyang pamilya, kamag-anak, at mga kakilala na nakakakita sa 'kabastusan' ng dalawa.


Naguguluhan ako kung kasal ko ba talaga to 😂 Nasa gilid lang ako, nakatingin and yes halos mamatay na ako sa sakit. Anong magagawa ko BESTFRIEND NGA DAW SILA. 🙂🤷


Dahil sa pangyayari, nasira lamang ang selebrasyon ng kanilang kasal, kaya kinausap ni Jorryme si Shaira na siya nalang ang dumistansya kung ano man ang meron sa kanilang mga nakaraan, ngunit paliwanag nito sa kanya na walang malisya ang lahat dahil sadyang ganoon lang din daw talaga ang paraan niya ng pakikitungo sa ibang tao. 


Narito ang kabuuan ng post ni Jorryme:


Hi Dzaii SHAIRA MAE BOYONAS since binlock mo na ako, dito tayo mag-usap. Wala na akong pakiaalam kung hanggang saan tayo umabot, i will fight for my right. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin, mamamatay ako ng maaga kung hindi ko maipalabas ang nararamdaman ko. 


Dream wedding na naging  worst nightmare. 

Bakit ganyan kayo ka walang puso? Hanggang kailang ako mag-adjust para sa inyong dalawa? Diba nag-usap na tayo na dumistansya kana sa kanya? NAG-USAP NA TAYO DIBA? ANONG GINAWA MO, AKO LANG YUNG BINLOCK MO PARA DI NA KITA MAISTORBO. 


Baliktad na pala ang mundo ngayon? Ang asawa na mismo ang mag-adjust sa BESTFRIEND? Wala na akong pakialam kung mapapahiya tayong lahat. GUSTO MO PALANG SUMIKAT, TUTULUNGAN KO KAYO PARA MAS MADALI. SAYO NA YANG ASAWA KO KUNG GUSTO MO. Magsama kayo dalawa, parehas naman kayo ng utak.  


Ibinahagi rin ni Jorryme ang mga larawan ng kanilang naging usapan. Narito ang mga sumusunod:

























***

Source:   Jorryme Vodisek

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!