Hindi maikakaila ang hirap at sakrispiyo ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil tinitiis nila ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang makapag-ipon ng pera.
Photo credit to the owner
Kaya napakasakit isipin na sa kabila ng kanilang paghihirap at sakripisyo, hindi man lang sila masuklian ng kaunting tulong ng mga taong kanilang natulungan.
Sa Facebook page na ‘Dubai Kabayan OFW’, ibinahagi nito ang larawan ng isang matandang lalaki na tila naiiyak sa kanyang kalagayan.
Ayon sa post, 20 years umanong kayod kalabaw ang matanda sa ibang bansa at tanging pagtulong sa pamilya ang ginawa.
Sa paglipas ng panahon, hindi na namalayan ng lalaki na tumatanda na siya at unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan. Kaya nagdesisyon na itong umuwi ng Pilipinas upang makapagpahinga.
Dahil inilaan ang buong buhay sa pagtatrabaho, hindi na nagawa ng matanda ang mag-asawa kaya wala itong pamilyang mauuwian.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Tumuloy siya sa bahay ng kanyang mga kapatid dala ang kaunting pera na naipon sa pagiging OFW. Siya pa rin ang tumutustos sa pang araw-araw na gastusin sa pamilya ng kanyang kapatid hanggang sa tuluyang maubos ang kanyang pera.
Dito na umano nag-umpisang magbago ang pakikitungo ng kanyang mga kapatid. Nagpaparinig na raw ang mga ito sa kanya ng mga hindi magagandang salita.
Pati ang kanyang mga pamangkin na pinag-aral ay halos bumaba na ang tingin sa kanya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Nakakarinig rin daw ang matandang lalaki sa kanyang pamilya na siya ay pabigat kaya napilitan siyang umalis sa puder ng mga ito at piniling maging palaboy na lamang.
Narito ang buong post:
“10, 20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid, anak, pamangkin. Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.
Umasa sa anak, kapatid, pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang nag asawa si anak, kapatid, pamangkin. Naiwan kang windang kung saan kukunin ang araw araw na gastusin.
Sino ngayon ang kawawa?
Masaklap na katotohanan. Wag ipagsawalang bahala.
Mag ipon
Mag plano
Mag siguro
Para hindi sapitin ang ganito...
Photo credit to the owner
Habang bata pa at malakas ang pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa.”
***
Source: Dubai Kabayan OFW