'Cravings Satisfied!' Babaeng naglalambing sa jowa, na-wrong send sa iba - The Daily Sentry


'Cravings Satisfied!' Babaeng naglalambing sa jowa, na-wrong send sa iba



Screengrab from Master Wings FB

Trending ngayon online ang post ng isang Chicken Restaurant matapos nilang ibahagi sa social media ang screengrab ng conversation nila sa isang netizen na hindi sinasadyang na-wrong send sa kanilang Facebook page.

Ayon sa babae, naglalambing lang daw siya sa kanyang nobyo dahil sa cravings niya sa pagkain ng restaurant ngunit ganito ang nangyari.

"Ay hala! Sorry po na-wrong send. Nagba-browse po kasi ako sa page n’yo tapos bigla ako nag-crave huhu. Boyfriend ko po talaga icha-chat ko para maglambing na ibili niya ako ng Monster Wings. Kindly disregard this message na lang po hahahaha sorry po ulit!” paliwanag ng babae matapos magkamali sa pagsend ng mensahe.

Sa hindi inaasahang pangyayari, tumugon naman ang restaurant matapos matanggap ang mensaheng ito.



Photo from FB | CTTO

Photo credits: Monster Wings FB

“Hi, Ma’am! Good afternoon po. We’ll send you a box of mojos and 6 pieces of wings to share to satisfy your #MonsterWingsCravings. Just send us the location po kung saan ipapadeliver. No need to worry about the fee, Ma'am. Hope you enjoy the food!
" tugon ng restaurant sakanya.

Hindi makapaniwala ang babae sa ginawa ng naturang kainan.

"Halaaa seryoso po ba? 'Wag na po hala nakakahiya hahahaha!" aniya.

"We insist po, Ma'am. Saka para po hindi ka na din sad," bigay diin ng restaurant.


Source: 1