Jeric Raval at Aljur nag-usap ng lalaki sa lalaki: 'Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’ - The Daily Sentry


Jeric Raval at Aljur nag-usap ng lalaki sa lalaki: 'Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’





 


Kahit kabi-kabila ang intriga tungkol sa hunk actor na si Aljur Abrenica ay nananatiling tikom ang bibig nito tungkol sa umano’y pag bubuntis ni AJ Raval na napapabalitang kasintahan niya.

 

At kahit matagal na ang chismis ay wala pa ring diretsahang pag-amin si Aljur kung sila na nga ba ni AJ, na anak naman ng beteranong aktor na si Jeric Raval.


 

Sa naging panayam noon ni AJ ay sinabi niyang kung sakali man na maging mag dyowa nga sila ni Aljur ay hindi naman daw niya ito itatago sa publiko.

 

Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao. Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” ani AJ sa isang panayam sa Vivamax b0mbshell.

 

Tila naman hindi tutol si Jeric na mabuting tao si Aljur pero para sa kanya ay kailangan pa rin niyang paalalahanan ang anak kung sakali man na maging magkarelasyon nga ang dalawa.





 

Sa isang episode ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ay kanyang nakapanayam ang beteranong aktor at nabanggit nito na nakausap niya si Aljur noong nakaraang buwan at nagkausap na daw sila.*

 

“Nag-usap na naman kami (ni Aljur) nang lalaki sa lalaki. Sabi ko, ‘Tatlong bagay lang ang hihingin ko sa ‘yo, anak, kung talagang mahal mo yung anak ko. Iayos mo muna yung buhay mo, iayos mo muna yung sarili mo.

 

“’Lahat nasa ayos, lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada yung anak ko. ‘Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.’

 

“Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person,” kwento ni Jeric

 

Naitanong din ni Ogie kung totoo nga bang buntis si AJ, ang chismis na di mawala-wala.

 

“Sabi ko nga kay Bats (tawag niya sa anak) bakit kaya hindi mo sagutin? Sabi sa akin, ‘nagsawa na ako sa kasasagot ‘Tay Eric, three months ago, four months ago.’


“Sabi ko asan ka ba ngayon at sabi nga niya nagsu-shooting siya. Nasa Angeles sila ngayon tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva.


 

“Hindi (buntis). E, bakit siya nagsu-shooting? Saka kung buntis, e, di mabuti at least hindi pala siya baog. Ha-hahaha!” sey ng aktor na natawa ng malakas

 

Kung matatandaan ay naging malaking usap-usapan noong nakaraang taon na si AJ daw ang naging third party na naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Kylie at Aljur. Ang balitang ito ay paulit-ulit namang itinanggi ni AJ.