Marites sa Jeep, Spotted! Netizen na Nakikibasa ng Text ng Katabi, Nagpaaliw sa Netizens! - The Daily Sentry


Marites sa Jeep, Spotted! Netizen na Nakikibasa ng Text ng Katabi, Nagpaaliw sa Netizens!




Photo credit to Josh Maestrecampo | Facebook

Yung kaya mong matulog sa jeep at magbasa ng text ng katabi? 

Ito ang isang pangyayaring talaga namang nagpaaliw sa mga netizens nang kumalat sa social media ang isang larawan ng isang pasahero sa jeep na kunwari ay natutulog ngunit pasimpleng 'Marites' pala.

Ang 'marites' ay isang lengguwaheng ginagamit ngayon sa internet na nagkakahulugan diumano na 'isang taong mahilig sa tsismis, makibalita o magbalita'. Ito rin daw ay shortcut sa katagang “MARe, Ito ang laTESt!”



Photo credit to Pika Daily

Nakilala ang marites sa jeep na si Josh Maestrecampo, isang Facebook user na tila nangungulit lamang nang kanyang ibahagi ang isang post kung saan makikita ang larawan ng kanyang sarili na parang natutulog lamang ngunit pasimple palang nakatingin at nakikibasa sa mensahe sa cellphone ng kanyang katabi.

Kitang-kita ang mata ni Josh na nakatitig sa cellphone na talaga namang kakatuwaan ng sino mang makakita sa kanya.

 
Photo credit to Josh Maestrecampo | Facebook



Kaya naman upang pasiyahin ang kanyang kapwa netizens at followers ay ipinost ni Josh ang kanyang larawan at nagbigay ng kanyang mensahe sa lalaking nakatabi nito sa jeep, base sa kanyang nabasa sa phone ng huli.

Binati niya ng maligayang anibersaryo ang lalaki at ang girlfriend nito at sinabing sana ay maging masaya sila sa kanilang selebrasyon.

Photo credit to Josh Maestrecampo | Facebook

"Para sa nakatabi ko sa jeep kanina at sa GF niyang si !Azawa.Qoh! , Happy 4th Monthsary sa inyo. Enjoy kayo sa simpleng celebration niyo mamaya kasi sa sahod na kayo babawi, at pupunta kayo sa SM at manonood na rin ng Thor." ani Josh.

Ang post ay umani ng napakaraming 'laugh reactions', comments at shares sa Facebook.

Karamihan sa mga comments ay aliw na aliw sa kanya at sinabing dahil sa post na iyon ay naging 'instant celebrity' si Josh dahil talaga namang nagviral ang kanyang pangungulit sa social media.



SourceJosh Maestrecampo | Facebook