Kandidata ng Bb. Pilipinas, may pasabog tungkol sa umano'y pagkakapalit ng korona; Isiniwalat ang totoong nanalo - The Daily Sentry


Kandidata ng Bb. Pilipinas, may pasabog tungkol sa umano'y pagkakapalit ng korona; Isiniwalat ang totoong nanalo




Naging mainit na usap-usapan ngayon ang pagkakaron ng aberya sa kakatapos lamang ng grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Araneta Coliseum. Ito'y hinggil sa pagtataka ng maraming pageant fans sa matagal na pag-anunsiyo sa kung sino ang nakasungkit sa korona ng Bb. Pilipinas International.


Dito na umugong ang paniniwala ng ibang mga netizens tungkol sa posibleng pagkapalitan ng korona ng mga binibining nanalo. 


Sinundan pa ito ng tila pasabog na post ng isa sa mga pasok sa Top12 na kandidata sa nasabing pageant na si Karen Laurrie Mendoza mula Ilo-Ilo kung saan ibinahagi niya ang isang kuhang larawan ng papel na tila may mga nakasulat na mga pangalan ng mga pinaniniwalaang totoong placement ng mga nanalo.

 

Larawan mula sa ENP


Ayon din kay Karen, malaki ang tiwala niya kay Gabrielle  Basiano mula Eastern Samar para sa pinakamataas na korona ang Bb. Pilipinas International. 


"I was ask by a pageant page. If there is one girl you would like to win the international crown aside from yourself who would it be and why?,"  post ng kandidata sa kanyang Instagram account. 


"My co repeater @gabbybasiano. Please watch @theqrownph interview for proof. and take a good look at the next photo," 







Sa mga naglabasang litrato at video sa social media makikita ang host na si Miss Universe 2018 Catriona Gray na biglang huminto sa pag-announce ng kandidatang mananalo para sa Bb. Pilipinas International, napuno din ng matinding ingay ang buong araneta dahil sa nangyari. 


Makikita din na lumapit ang isang staff kina Catriona at sa isa pang host na si Bb. Pilipinas Grand International 2016 Nicole Cordovez. May ibinulong ito sa dalawang beauty queen kaya tila napakunot noo ang mga ito na kitang-kita sa litrato.




Isa na sa mga nakapansin sa puno ng intense na pangyayari ay ang the Unkabogable Box Office Superstar-TV Host na si Vice Ganda na agad napa tweet sa pangyayari.  


“May very wrong! #BinibiningPilipinas.” At sinundan pa niya ito ng, “Anu kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls!” 


Kalaunan ay binanggit din ang winners para sa Bb. Pilipinas 2022 — Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong, 1st Runner-up Herlene Nicole Budol at 2nd Runner-up Stacey Gabriel.


***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!