Siya pala ang napakagwapong apo ni Willie Revillame at isa sa tagapagmana ng kanyang kayamanan - The Daily Sentry


Siya pala ang napakagwapong apo ni Willie Revillame at isa sa tagapagmana ng kanyang kayamanan



 

Larawan mula sa Manilatimes

Si Wilfredo Buendia Revillame o kilala bilang si Willie Revillame ay isang Filipino television host, singer, song writer, businessman, actor and comedian.


Si Willie ay nagmula rin sa mahirap na buhay kung kaya't ramdam din nito ang hirap ng ating mga kababayan na sumasali sa kanyang palabas.


Gayunpaman ay sa wakas ipinakilala na rin sa publiko ang kanyang pinaka-mamahal apo na si Elijah Palanca na isa sa magiging tagapagmana ng kanyang ari-arian.

Larawan mula sa Manilatimes

Larawan mula sa Manilatimes

Si Elijah ay anak na lalaki ni Meryll Soriano na kilala rin bilang isang artista, ngunit sa ngayon ay hindi na siya aktibo sa mundo ng showbiz dahil tila mas pinagtuunan na nito ang pagiging ina sa apo ni Willie na si Elijah.


Sa mga hindi nakakaalam nagsama noon si Merylle at si Bernard Palanca na siyang ama ni Elijah, ngunit makalipas ang anim na buwan ay sila din ay nagkahiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan kung kaya naman pareho nilang pinagdesisyonan na tapusin na ang kanilang relasyon.


Kahit ganoon ang nangyari sa pamilya ni Meryll ay sa suporta ng kanyang ama na si Willie ay nagawa pa rin niyang palakihin ng maayos ang kanyang anak na si Elijah.

Larawan mula sa planetumeboshi

Larawan mula sa planetumeboshi

Sa katunayan nga ay binata na ngayon si Elijah at maraming netizen na talaga namang humanga sa kanyang angkin na kagwapuhan.


Ayon pa sa ibang netizen ay kung papasukin ni Elijah ang mundo ng showbiz kagaya ng kanyang mga magulang ay hindi ito mabibigo dahil nasa dugo na nito ang pag-arte.


Bukod kay Elijah na magiging tagapagmana sa mga kayamanan ni Willie ay mayroon din itong anak na lalaki na si  Juamee Revillame na binata na rin.


Si Juamee ang lalaking bunsong anak ni Willie sa dati nitong asawa na si Liz Almoro. Matatandaan na naghiwalay din ang dalawa matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. 

Larawan mula sa Famous

Larawan mula sa Famous

Dati na rin niyang ipinakilala ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte ngunit ang hindi naman alam ng karamihan ay mayroon pala siyang anak na lalaki na si Juamee Revillame.


Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz ang kanilang anak na lalaki ngunit hindi naman ipinagdadamot ng babae kay Willie si Juamee at kahit na anong oras ay maaari nitong bisitahin ang kanyang anak.


Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future. 


***