Nakababatang kapatid ni Derek Ramsay, lumantad at nais pasukin ang pag-aartista - The Daily Sentry


Nakababatang kapatid ni Derek Ramsay, lumantad at nais pasukin ang pag-aartista



 

Larawan mula sa Philippine Star

Si Derek Arthur Ramsay Jr. ay isang British-Filipino model, aktor at host na ipinanganak noong December 7, 1976 sa bansang England at lumaki siya sa Cainta, Rizal dito sa Pilipinas.


Matatandaan na ikinasal si Derek sa isang Filipino actress, model at dating internet celebrity na si Ellen Meriam Go Adarna o sumikat sa pangalang Ellen Adarna.


Nito lamang nakaraan ay napabalitang ang nakababatang kapatid ni Derek na si Andrew Ramsay ay nais na rin pasukin ang mundo ng showbiz.

Larawan mula sa preen.ph

Larawan mula sa preen.ph

Ayon kay Andrew, dati pa ay alam na umano nito sa kanyang sarili na hilig niya ang pag-aartista kung kaya naman nagpursigi itong mag-aral ng Bachelor of Fine Arts and Acting for Film sa New York Film Academy.


Banggit pa ni Andrew ay handa na siyang sumabak sa pag-arte matapos ang kanyang mahabang pag-training.


Kung kaya naman noong bumalik siya sa Pilipinas ay napagdesisyunan niyang mag-focus sa pag-arte dahil ito raw umano ang kanyang hilig.


Noong una ay hindi raw ipinaalam ni Andrew sa kanyang kuya ang kanyang plano pero alam naman daw niya sa kanyang sarili na susuportahan siya ni Derek sa kanyang desisyon.

Larawan mula sa Voyage

Larawan mula sa Voyage

“To be honest, hindi naman ako nagpaalam sa kanya. Ever since I was young, alam niya na pangarap ko is to become an artist. Pero alam niya na that I was starting my own company, and alam niya na I wanted to pursue this my own journey. Maybe I didn’t make paalam. I just keep him up to date na, 'This is what I’m doing, Kuya.' Hopefully we can work together sa future.” ayon kay Andrew.


“Sarap sa pakiramdam, kasi first time ko mag-feature length film sa Cinemalaya. Dati ko pa gusto mag-act sa tunay na Pilipino na concept,”


“Kasi, as much as I love acting, I also want to produce my own content here. Kasi, halos lahat na mga Filipino actors who get cast sa Hollywood projects, nata-typecast sila as the maid. 


***


Source: PEP.ph