P20 na taya ng isang simpleng maybahay, solong kumubra ng P401-M sa Grand Lotto - The Daily Sentry


P20 na taya ng isang simpleng maybahay, solong kumubra ng P401-M sa Grand Lotto



Larawan mula sa Pilipino Star Ngayon


Sumusugal ka ba sa swerte? 


Isang simpleng maybahay na taga Ilo-ilo ang solong naangkin at nanalo ng limpak limpak na milyones na nagkakahalaga ng P401 milyon jackpot prize sa GrandLotto 6/55 draw noong July 9, 2022, mula sa P20 niyang taya, ito'y ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 


Swerte ang ginang sa winning combination number na 02-18-49-07-19-47 na aniya'y isang "lucky pick" ticket na ang ibig sabihin ay ang system ang mamimili ng iyong tatayaang kombinasyon, at sinubukan lamang daw niyang sumugal kapalit ang bente pesos niya sa bulsa.


“Sabi po ng asawa ko try ko raw po tumaya ng isa lang na lucky pick para maiba naman. Kung suwerte ka talaga mananalo ka kahit LP [lucky pick],”


Larawan mula sa Pilipino Star Ngayon


Ngayon nalang rin daw umano siya tumaya ulit sa lotto matapos ang mahigit 7-taon na nakalipas ng huling taya niya sa lotto noon pang 2016.


Hindi naman umano talaga siya tumataya ng lotto ngunit sinubukan niyang tumaya nang marinig ang sinasabi ng isang mananaya "kung para sa'yo para sa'yo, kahit ilang beses ka pa bumalik dito kung 'di loob na Diyos na manalo ka, 'di ka mananalo" 


Sa inilabas na pahayag, sinabing kinubra na umano ng ginang ang kaniyang premyo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.


Ayon umano sa ginang, bukod sa tuwa ay nakaramdam sila ng kaniyang mister ng takot para sa kanilang seguridad dahil sa malaking premyong napanalunan.


Larawan mula sa Pilipino Star Ngayon


Plano umano ng ginang sa napanalunang pera ay magtayo ng mapagkakakitaang negosyo at magbahagi ng donasyon sa simbahan at ilan pang mga organisasyong tumutulong sa mga taong nangangailangan.


Humihirit naman ng balato ang karamihan ng mga taga Iloilo sa maswerte nilang kababayang ilonggo na ngayo'y literal na instant milyonarya dahil sa swerte. 


Marami sa mga Pinoy ang araw-araw na nagbabasakaling swertehin manalo sa lotto, mahirap man sa dami ng mga kombinasyon ng numerong tatayaan ay inilalaban parin, malay nga naman natin baka ikaw na ang susunod na kukubra ng milyones na halaga. 


***

Source:   GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!