Isang turista sa Boracay, siningil umano ng P16,000 para hair braiding - The Daily Sentry


Isang turista sa Boracay, siningil umano ng P16,000 para hair braiding



Kamakailan ay naging mainit na usapan sa social media ang paniningil ng P26,000 sa isang grupo ng turista sa Panglao, Bohol. Ngayon ay tila may panibago nanamang isyu ang pag-uusapan ng mga netizens.
Photo credit to the owner

Sa isang artikulo ng Daily BNC News, ibinahagi nito ang isang post sa Reddit ng isang hotel manager sa Boracay patungkol sa karanasan ng isa sa kanilang guest na nabiktima ng ‘overpricing’.

Ayon sa manager ng hotel, siningil umano ang kanyang guest ng P16,000 matapos magpa-braid o tirintas ng buhok.

“I’m the manager of Levantin, a small hotel in Bulabog. This happened to one of our guests and we are also complaining about it here in the Boracay community,” sabi ng manager.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ilang netizens naman ang nagsabi na hindi na raw bago sa Boracay ang mga ganyang insidente dahil kahit mga local tourists ay nabibiktima rin.

“Unfortunately maraming ganito sa Bora. Marami na rin nagpost sa FB pero walang aksyon from the LGU/Tourism office. Ang siste is sasabihin 300 lang. 300 per strand pala. This is a trap not just for foreign tourists, pati rin sa locals,” sabi ni u/itawesomeki.

Isa sa mga tourist services sa Boracay ang hair braiding at henna tattoo at karamihan ng mga pumupunta doon ay sumusubok nito.

Ngunit hindi naman aabot sa libo-libong piso ang normal na presyo ng braiding sa Boracay.

Samantala, itinanggi ng isang grupo ng hair braiders sa Boracay na overpriced umano ang siningil na P16,000 sa banyagang turista.

Ayon kay Jomar alyas “Mara,” lider ng hair braiders sa isla na miyembro ng Malay Boracay vendors, Peddlers, Masseurs, Manicurist and Hair Braiders Association, Inc. (MABOVEN), bago inumpisahan ang pagtitirintas ay nakipag-usap umano ito sa magulang ng turista, pumayag naman daw ang mga ito at sinabing handa silang magbayad basta maganda ang gagawing design.

Aminado naman si Mara na umabot sa 16,000 ang singil sa turista dahil ang bawat linya ng buhok ay may iba’t-iba umanong kulay at ang halaga nito ay umaabot sa P50-P100 kada isang linya.

Actually sir, bago po umupo ‘yon sir, na-verify ko nang maayos ‘yan sir. Nabigyan po natin ng prices po ‘yan sir kung bakit umabot po ng P16K ang binayaran nila,” ani Mara.

Dagdag pa ni Mara, may tariff price silang sinusunod kaya imposibleng maging overpriced ang singil sa tirintas na ginawa.

Aniya, ang design na napili ng turista ay all hair with color.

“One thousand for the whole hair. Tapos do’n sa color sir maraming nagku-kuwestiyon kung bakit gano’n ang halaga na naabot. Kasi every line po ‘yong braid natin is may charging po tayo, either po P50 or P100 po each line po ang singilan diyan,” pagpapaliwanag ni Mara hinggil sa naging breakdown kung bakit pumalo sa P16K ang singil.

Sinabi pa ni Mara na wala naman daw naging problema ang ama ng batang nagpatirintas basta masaya ang anak nito ay magiging masaya na rin ito.


***