Pambansang Kolokoy, inaming hiwalay na sila ni Marites matapos ang 20 taong na pagsasama - The Daily Sentry


Pambansang Kolokoy, inaming hiwalay na sila ni Marites matapos ang 20 taong na pagsasama



Matapos ang maraming tanong at paghahanap ng mga netizens kay Marites sa mga vlogs ni Joel Mondina o mas kilala bilang Pambasang Kolokoy, sinagot na niya ang mga ito.
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner

Sa kanyang Youtube channel, inamin ni Joel na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Marites matapos ang 20 years na pagsasama bilang mag-asawa.

Sa lahat po ng mga nagke-question [ng] nasaan na si Marites? How come wala na si Marites sa mga videos mo? Hiwalay na ba kayo ni Marites?" paunang sabi ni Joel.

"Ok, para po magkaroon na kayo ng peace of mind, and hopefully matapos na yong mga iniisip isip niyo, what’s going on in your mind, in your brain… Yes, mga kaibigan, Marites and I, we are no longer together,” pag-amin niya.
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner

Aniya, ayaw muna sana niyang magsalita dahil may proseso pa silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa kanyang mga videos.

Inamin din niya na mayroon na siyang bagong karelasyon at masaya umano silang magkasama.

Wala na po kami ni Marites. And, ayaw ko pa sana magsalita kasi meron pa kaming process na ginagawa ngayon. Am I with someone else? Yes, I’m with someone else now and we’re happy,” sabi ni Joel.
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Joel, ayaw daw niyang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Marites lalo at may mga masayang pinagsamahan naman sila at ina ito ng kanyang mga anak.

“Hindi ko rin naman sisiraan si Marites dahil for 20 years, we had good times din naman. Plus, nanay siya ng mga anak ko and nag-uusap pa rin kami every once in a while about the kids.”

Aniya, sa kabila ng kasiyahan na nakikita ng mga netizens sa kanilang vlogs, hindi ibig sabihin ay perpekto at walang problema ang kanilang relasyon.
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner
Joel Mondina at Marites Mondina / Photo credit to the owner

May mga pangyayari sa likod ng kamera na lingid sa kaalaman ng publiko na sa tingin niya ay karapatan naman nilang panatilihing pribado.

Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

They are ok. They are very ok. Lahat po ng gusto nila, lahat po ng hilingin nila ibibigay ko kahit hindi ko kaya ay kinakaya ko dahil mga anak ko yon, mga best friends. Hindi po ako pabayang ama.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: Youtube