Ang sikat na starlet noong dekada '80 na si Claudia Zobel at ang kanyang hindi naaagnas na katawan. - The Daily Sentry


Ang sikat na starlet noong dekada '80 na si Claudia Zobel at ang kanyang hindi naaagnas na katawan.



Kahit bagong sibol pa lang noon ay kinilala agad bilang isa sa mga mahuhusay na aktres ng dekada '80 si Thelma Maloloy-on o mas naging tanyag sa kanyang screen name na Claudia Zobel.

Ito ay matapos niyang pagbidahan ang mga kontrobersyal na pelikula at bigyang kulay ang mga karakter niya rito.




Dahil nga sa pagbulusok noon ng mga mapupusok na pelikula, mainit na pinagusapan ang noo'y 18 taong gulang na si Claudia.

Nagsimula ito sa pelikulang "Shame" ni Elwood Perez na pinoprotesta noon ng mga pari at simbahan dahil sa ilang mga eksena nito. Katambal niya rito ang aktor na si Patrick Dela Rosa.

Ilan pa sa mga mga kilalang palabas nito ay ang Uhaw sa Pag-Ibig, Magdalena Buong Magdamag, Sinner or Saint at Bayan Ko: Kapit sa Patalim.

Photo Regal Films via Esquire

Photo Regal Films via Esquire


Bukod sa galing sa pag-arte, ang kanyang angking kagandahan, morenang kutis at exotic looks ang siyang naging asset ni Claudia at dahilan para pilahan ng marami ang kanyang mga palabas.

Ngunit bago pa man tuluyang mamayagpag ang karera nito ay aksidenteng pumanaw ang 18-anyos na aktres, nabangga ang minamaneho nitong sasakyan sa harap ng Mantrade sa Magallanes, Makati noong February 1984.

Ang burol ni Claudia sa Loyola Memorial Chapels ay binuksan sa publiko at dinagsa ng mga tagahanga. Matapos nito ay dinala na ang kanyang mga labi sa kaniyang tirahan sa Mambaling, Cebu.

Claudia Zobel | Facebook Public Photos


Nang dahil sa pagkasawi ni Claudia, pinalitan ng producer na si Mother Lily Monteverde ang titulo ng pelikulang "Sinner or Saint" mula sa orihinal nitong titulo na "Forbidden".  

Idinagdag sa pelikula ang full coverage ng libing ng aktres at ipinalabas sa mga sinehan noong March 1984.

Makalipas ang 30 taon ay muling pinaguspan ang aktres si Thelma Maloloy-on. Ito ay matapos hukayin ang kanyang pinaglibingan para ipalit ang kanya namang 75-anyos na ama.

Nakita noong August 2013 na tila hindi pa naagnas ang labi ni Claudia, ang buong akala nila ay mga buto na ng aktres ang kanilang madadatnan.

Laking gulat ng marami ng ibalita ito. Naayon pa nga sa kanyang pelikula ang tanong noon ng mga iilan, isa nga ba siyang Sinner? o Saint?

Claudia Zobel | Facebook Public Photos

Claudia Zobel | Facebook Public Photos


Base sa imbestigasyon ng pulisya, mummification ang posibleng dahilan nito. Init, uri ng lupa, mahusay na pagkakalinis ng katawan at selyadong kabaong upang hindi makapasok ang mga bacteria ang mga kinokonsidera sa pangyayaring ito.

Taong 2019,  anim na taon matapos ang usap-usapan tungkol sa bangkay ni Claudia, muling hinukay ang libingan nito para naman magbigay daan sa namayapang ina.

Claudia Zobel | Facebook Public Photos


Claudia Zobel | Facebook Public Photos



Ito ang nagbigay patunay sa imbestigayon ng pulisya dahil sa mga panahong iyon ay nakitang tuluyan ng naagnas ang mga labi ni Claudia Zobel.