Ruffa, love na love si Annabelle Rama: 'We should always honor our parents, kahit inaaway niya ako lagi, but that's the way she is' - The Daily Sentry


Ruffa, love na love si Annabelle Rama: 'We should always honor our parents, kahit inaaway niya ako lagi, but that's the way she is'




Larawan mula sa Instagram @iloveruffag 




Sunod-sunod ang blessings ngayon na dumarating sa aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez at nitong nakaraang martes lang ay pumirma naman ito ng kontrata kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment.
 
Ayon sa ulat ng Bandera ay nagkaroon ng virtual mediacon matapos ang pirmahan sa pagitan ni Ruffa at Viva Artists Agency (VAA).

 
Dito sinabi din ni Boss Vic na nakalinya at nakaplano na ang mga proyektong gagawin ng aktres sa mga susunod na buwan.

Nabanggit din ni Ruffa sa naturang virtual meeting na ipinauubaya na daw ng kanyang ina ang kanyang career sa VVA for health reasons.
 
“I remember there was a time in her life that the doctors said bawal na siyang mag-manage kasi bawal siyang ma-stress kaya medyo nag-lie low siya sa pagma-manage ng mga artista,” ayon sa pahayag ni Ruffa




 
Gayunpaman, nilinaw din ng dating beauty queen na magiging co-manager pa rin ang inang si Annabelle Rama.
 
“But because she’s my mom, she’s never gonna go away and I honor her. So, Viva will be managing my career, she will be there as my co-manager, and I just want my mom to be happy.*
 
“Kanina nga, binibiro ko si Boss Vic, ‘Bigyan mo naman ng envelope si Mommy to make her feel important.’ Masaya na ‘yan, di ba?” ani Ruffa
 
At gusto rin ng aktres na laging maramdaman ng ina na parte ito palagi ng buhay niya, kahit pa daw may kakulitan ito minsan.
 
“Kunyari lagi siyang kasali. Kunyari, she’s always part of the equation, so let’s give it to her because we should always honor our parents, kahit na makulit si Mommy minsan. Kahit inaaway niya ako lagi, but that’s the way she is.


Larawan mula sa Showbiz Chika (ctto)


 
“Ang maganda kay Mommy ngayon, she has Boss Vic and the Viva family to handle my career.
 
“And she’s always gonna be a part of my life and my career, not only because she’s my mom, but I think my mom also has a lucky streak.*
 
“Anything mom touches also turns into gold, and marunong talaga siyang makisama sa mga tao,” sey pa ni Ruffa
 
Excited din daw siyang maging parte ng Viva dahil naging malapit din ito sa kanyang puso.
 
“And the very first person that took me shopping po pagdating ko dito galing sa United States was the late Miss Mina Aragon,” kwento n Ruffa na ang tinutukoy ay ang asawa ni Boss Vic.
 
“Nililigawan niya po ako para maging part ng Viva family pero mas mabilis nung mga panahon na yun si the late Donna Villa kaya sa Golden Lions po ako pumirma. And, of course, dahil nauna ang Regal Films.
 
“But you know, napakaliit po ng industriya kasi umiikot lang naman tayo in circles and now, after how many decades, two decades, I’m here now with Viva.
 
“Matagal na po akong nililigawan ng Viva. Every time we would bump into each other, ‘O, kailan ka pipirma sa amin?’ So, ako naman, tawa-tawa lang.” dugtong pa ng aktres
 
Aniya pa, ang pagganap niya sa Maid in Malacanang ang naging daan talaga upang tuluyan na siyang maging Viva artist. 

 
“I think it really sealed the deal because ang pinakamaganda with Viva is all my projects with Viva had been very successful from our first production—Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa Ngayon (1995) — lahat ng pelikula na ginawa ko sa Viva puro naging successful.
 
“I think it just come with timing and, for me, this is the right time,” sey pa ng bagong Viva artist