Si Antonio Laxa o mas kilala sa kanyang screen name na Tony Ferrer ay isa sa pinaka-sikat na artista noong kapanahunan niya. Siya ay isa ring magaling na film director at producer ng pelikulang Pilipino.
Tony Ferrer / Photo credit to the owner
Si Tony Ferrer ay isinilang sa Macabebe, Pampanga noong June 12, 1934. sumikat siya noong 1960s at 1970s bilang “James Bond of the Philippines.”
Si James Bond ay iconic fictional character ng British novelist na si Ian Fleming.
Taong 1953 nang unang naisapelikula si James Bond kung saan gumanap ang isang British super spy, na tinatawag na Agent 007.
Tony Ferrer / Photo credit to the owner
Tony Ferrer / Photo credit to the owner
Dekada '60 naman nang pumatok ang pagbibida ni Tony bilang spy at secret agent na si Tony Falcon sa movie series na Agent X-44.
Ang kanyang kauna-unahang pelikula ay ang Kilabot sa Barilan, na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr. o FPJ at ipinalabas noong 1960.
Alam niyo bang hindi lang sa pelikula magaling makipaglaban si Tony Ferrer? Sa totoong buhay ay isa siyang bihasa sa martial arts.
Noong kapanahunan nila ay bibihira lamang sa mga artista ang magtaglay ng ganung talento. Kaya naman maraming manonood ang napabilib at humanga kay Tony.
Tony Ferer / Photo credit to the owner
Tony Ferer / Photo credit to the owner
Maliban sa Agent X-44, nakilala rin si Tony sa mga martial arts movies katulad ng Captain Karate, The Karate Kid, The Black Belt Phantom, King of Karate at marami pang iba.
Si Tony ay minsan na rin naging Philippine Karate Champion. Siya ay miyembro ng Karate Brotherhood of the Philippines (KBP) na pinamumunuan ni Melotin Geronimo na kalaunan ay naging bantog bilang si Mayor Latigo ng Baras, Rizal.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Sila ang kumatawan sa Pilipinas para sa Asian Karate Tournament at sa iba pang paligsahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dahil sa kanyang pagiging magaling na aktor at martial artist, napasama rin si Tony sa ilang international films kagaya ng The Vengeance of Fu Manchu (1967), Blind Rage (1978), at Cover Girl Models (1975).
Naging best aktor rin si Tony para sa pelikulang Sapagkat sila’y aming mga anak noong 1970. Nakasama niya rito sina Boots Anson Roa at Vilma Santos.
Naging nominado rin siya sa FAMAS bilang best actor para sa pelikulang Sabotage noong 1966 at The Golden Child taong 1971, kung saan nakapareha niya ang nanalong Mutya ng Pilipinas na si Alice Crisostomo at kalauna’y naging asawa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Si Tony rin ang ama ng aktres na si Maricel Laxa sa dating aktres na si Imelda Ilanan.
May anak rin si Tony kay Pinky Poblete at sa isa pang non-showbiz na kanyang nakarelasyon.
Sa pagpasok naman ng 1981, nagsimula na siyang mag-direk at gumawa ng mga sariling pelikula.
Siya ang nasa likod ng musical film na Legs Katawan Babae na pinagbidahan ng dating sikat na disco group na Hagibis.
Photo credit to the owner
Nakatrabaho niyang muli si FPJ sa Ang Agila at ang Falcon (1980) at nakaeksena sa action stunts maging ang mas batang action stars na sina Ramon “Bong” Revilla Jr. (Chinatown: Sa Kuko ng Dragon, 1988), Ronnie Ricketts (Black Sheep Baby, 1989), at Jess Lapid Jr. (Isang Milyon sa Ulo ni Cobra, 1990).
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Taong 2007 nang huling mapanood si Tony sa pelikula, nang magkaroon siya ng special participation sa Agent X44 remake ni Vhong Navarro.
Sa kabuuan ay nagkaron ng mahigit 200 movies si Tony sa loob ng mahigit apat na dekada.
Dahil sa kanyang pagtanda, unit-unting mas pinili ni Tony ang pribadong buhay. Inilalaan na lamang niya ang kanyang oras para sa kanyang pamilya.
At noong January 23, 2021 sa edad na 86, namaalam ang magaling na aktor dahil sa sakit sa puso.
***