Dennis Padilla sinagot ang mga pahayag ni Julia: "Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kayo, kanino ba naubos lahat?" - The Daily Sentry


Dennis Padilla sinagot ang mga pahayag ni Julia: "Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kayo, kanino ba naubos lahat?"





Hindi napigilan na mag-react ng aktor na si Dennis Padilla sa viral interview kamakailan sa panganay niyang si Julia Barretto kung saan ay nagsalita ang huli tungkol sa estado ng relasyon nilang mag-ama.

 

Sa kanyang Instagram account ay naging sunod-sunod ang mensahe o komento ni Dennis tungkol sa kanyang anak na panganay kay Marjorie Barreto bilang sagot sa mga pahayag nito.


 

Ang mga post ni Dennis ay tila burado na ngunit marami na ang nakapag screenshot nito bago mawala.



 

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin,” aniya sa isang post “Sobra kayo. Ano itong mga kwento mo kay Karen?”






“Karen asked you kung napatawad mo na ako? Karen, ask me also kung napatawad ko na silang lahat. Interview me para mahimay natin,” dagdag pa ni Dennis na tinawag ang atension ng host na si Karen Davila sa. Comment section


 

Sinagot din ng ama ni Julia ang mga sinabi nito tungkol sa kanilang paglipat ng tirahan noon, na ayon kay Dennis ay siya ang gumastos at nagbabayad ng kanilang townhouse.


 

“Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kayo, kanino ba naubos lahat? Sa inyo, kasi gusto ko maginhawa ang buhay niyo,” saad ni Dennnis “Julia, ang alam mo kalahati ng katotohanan.” *



“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin?” Dagdag niya “Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto niyo?”



Inalala rin ng aktor nang ipatanggal ng magkakapatid ang apelyido ng ama mula sa kanilang pangalan.


 

“Nung pinapatanggal nyo apelyido ko…humingi ba kayo ng apology?” ayon sa ama ni Julia





 

“Ang buong bahay ko, ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin?” dagdag pa ni Dennis “Lahat ng blessings nasa inyo na. Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko. Ano pa gusto niyo?”



“Ako ang bumili ng townhouse. Gumawa lang ng waiver na di ko kukunin share ko para hatiin sa inyo.” Ayon pa sa aktor*


 

Ipinakita rin ni Dennis ang larawan ng kanyang ama at ikinuwento kung paano hindi binanggit ni Julia at ng kanyang mga kapatid — sina Claudia at Leon — ang kanilang lolo, ang yumaong beteranong aktor na si Dencio Padilla, sa alinman sa kanilang mga panayam.


 

“Sobrang tayog ng lipad. Awat na mga anak,” saad pa ni Dennis


 

Sa kanyang post ay tinawag din niya ang atensyon ng host na si Karen Davila na dapat ay maging patas ito.





 

“@iamkarendavila Pls. be fair to all. You need to interview me. Maraming mali sa alam ni Julia. Waiting sa reply mo ty.” Ani Dennis


 

Ang mensahe niyang ito ay tinugunan naman ni Karen at aniya ay nag reply na siya sa text ni Dennis sa kanya tungkol sa panayam.



 

Naging laman din ng headlines ang mag-aama noong Father’s day nang maglabas ng hinaing si Dennis na hindi man lang daw siya naalalang batiin ng mga anak sa araw na iyon.