Dina Bonnevie, umamin na 'awkward' makipag-close kay Pauleen: "Parang awkward kasi. Ano sanang topic namin? Si Vic?'" - The Daily Sentry


Dina Bonnevie, umamin na 'awkward' makipag-close kay Pauleen: "Parang awkward kasi. Ano sanang topic namin? Si Vic?'"








Sa isang press conference para sa bago niyang sitcom ay inamin ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie na hindi pa sila nakakapag usap talaga ng asawa ngayon ni Vic Sotto na si Pauleen Luna dahil para sa kanya ay “awkward” ito.

 
Sa isang YouTube vlog na binahagi ni Vinia Vivar ay napag-usapan ang kasalukuyang relasyon ni Dina kina Coney Reyes at Pauleen.


 
Nagpaunlak naman ang beteranang aktres na sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga babaeng naging bahagi ng buhay ng kanyang dating mister na si Bossing Vic Sotto.

 
Ayon kay Dina, dati naman na umano silang magkaibigan ni Coney Reyes, ang ina ni Pasig City Mayor Vico Sotto, ngunit hindi pa umano uli sila nagkaka-kwentuhan muli.




 
"Before si Coney, kasi magkaibigan talaga kami. Pero now, when I see her, 'Hi, Hello,' di pa kami nagkaron ng chance to sit down and talk. Si Pauleen, hindi rin," ani Dina

 
"Nung birthday and binyag ni Isaac, yun lang, parang, 'Hi, I'm Pauleen.' Although kilala ko na siya, nakilala ko siya sa studio, nung nag-guest ako sa show ni Ryzza Mae, pero hindi pa sila kasal nun. Then yun, sabi niya, 'Hi, ito yung anak ko, si Tali.' Pinakilala niya," saad pa ng aktres *

 
Sa kalagitnaan ng panayam, ibinunyag ni Dina na noong una ay gusto ni Pauleen na magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ngunit naa-awkwardan siya.

 
"Pero hindi pa kami... we never had a chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, 'Gusto sana ni Pauleen na maging okay kayo, you know to talk.' Sabi ko, 'Parang ang awkward kasi. Ano sanang topic namin? Si Vic?'" ayon kay Dina

 
Si Dina ang unang asawa ni Bossing at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Oyo Boy at Danica Sotto. Naghiwalay sila taong 1984 matapos ang apat na taong pagsasama.




 
Noong January 30, 2016 naman ng magpakasal si Bossing kay Pauleen Luna at sila ay nagkaroon ng isang anak, si Tali.


 
Ayon pa noon kay Dina, masaya umano siya na lumagay sa tahimik ang dating mister at muling nag-asawa.