Matinding mensahe para kay Pambansang Kolokoy: "Love is always a choice to make" - The Daily Sentry


Matinding mensahe para kay Pambansang Kolokoy: "Love is always a choice to make"



Photo by Pambansang Kolokoy | CTTO

Mainit pa ding usap-usapan ang hiwalayan ng Youtuber at social media influencer na si Joel Mondina o mas kilala bilang "Pambansang Kolokoy" at ang dating asawa nitong si Marites sa kabila ng nauna na nilang paglilinaw patungkol sa totoong kalagayan ng kanilang relasyon.

Agosto 28 nang ibahagi ni Joel na hiwalay na sila ni Marites matapos ang (20) dalawampung taong pagsasama.



Photo Credits: News5

“Para po magkaroon na kayo [supporters] ng peace of mind and hopefully matapos na ‘yung iniisip-isip niyo, yes, [Marites and I] are no longer together.. Sa akin sana, what’s going on sa aming private life, sana hindi na dapat nilalabas sa social media… pero dahil nonstop ang mga nagtatanong, okay, pagbibigyan ko kayo. Ayan, nasabi ko na," pag-amin ni Joel sa kanyang video.




Dagdag pa niya, "Lahat po ng gusto nila, lahat po ng hilingin nila ibibigay ko kahit hindi ko kaya ay kinakaya ko dahil mga anak ko yon, mga best friends. Hindi po ako pabayang ama."

Dahil dito, hindi pa din magkamayaw ang reaksyon ng ilan nilang tagasuporta at tagasubaybay. Ang ilan ay hindi pabor sa pangyayaring ito. Katulad na lang ng isang komento na talaga namang sinang-ayunan ng marami online.


Ayon kay Elijah Santos:

"In my opinion, sa part na sinabi mong you are living with someone else now at very proud ka, hindi mo man lang naisip yung nararamdaman ni Marites at ng mga anak mo. Hindi lang materyal na bagay ang kailangan ng anak mo sir. Mahirap kapag broken family. At sa bago mo ngayon sir, pagdadaananan nyo rin yung hirap na pinagdaanan niyo ni Marites. Love is always a choice to make. Kasi aminin man at hindi, hindi natin mahal ang partner naten 100% but lagi ka may choice. Sana alalahanin mo kung san kayo nagsimula. Sana one day you come back to your senses, that no matter what at kahit gano kahirap you will always choose your family. God bless."

Samantala, ilang araw naman matapos ilabas sa publiko ang patungkol sa kanilang paghihiwalay, muling nagkasama sa isang vlog si Pambansang Kolokoy at ang dating misis na si Marites Mondina.



Photo by Pambansang Kolokoy | IG



Source: 1