Mga rebelasyon tungkol sa hunk model na si Borgy Manotoc at nasaan na nga ba ito ngayon? - The Daily Sentry


Mga rebelasyon tungkol sa hunk model na si Borgy Manotoc at nasaan na nga ba ito ngayon?






 

Bukod sa kanyang six-pack na abs, ay hindi maipagkakaila na isa si Fernando Martin "Borgy" Marcos Manotoc sa pinaka gwapong nilalang sa balat ng lupa.


 Ang 39-anyos na modelo ay nagmula sa makapangyarihang pamilya, siya ang panganay na anak ni senadora Imee Marcos at sports personality na si Tommy Manotoc.


Bagama't mga politiko ang kanilang angkan, malayo sa public service ang pinili nitong karera at hindi rin siya madalas makita ng publiko.


Si Borgy ay isa sa mga Bench hunks. Siya ay naging modelo ng Bench body spray at Bench wear, dahil sa ganda ng katawan nito.


Borgy Manotoc | Larawan mula sa Twitter


Ano nga ang mga interesting facts tungkol sa panganay na anak ni senadora Imee? Narito ang ilan, base sa artikulo noon ng PEP at Philstar.


1. Hands-off daw ang kanyang ina sa kaniyang buhay pag-ibig at sa kanyang desisyon sa politika (kung meron man).


2. Isa sa rason kung bakit bihirang magpa-interview si Borgy ay dahil bulol daw ito managalog, ayon sa kanyang ina.


3. Mas gusto ni Borgy ang business kaysa sa showbiz at pulitika, sa katunayan, isa siya sa unang nagretail ng Dr. Martens na mamahaling brand ng sapatos sa Pilipinas. *


4. Close din si Borgy sa kanyang mga kapatid na sina Michael and Matthew Manotoc.


5. Dati niyang naging kasintahan ang model-actress na si Georgina Wilson at nagtagal sila ng apat na taon bilang magkasintahan.


Borgy Manotoc at Georgina Wilson | Larawan mula sa Twitter


6. Tumira si Borgy sa Portugal ng limang taon at mas maraming taon sa Singapore.


7. Hindi rin daw siya spoiled katulad ng iniisip ng iba. Kung may gusto man daw siya, kailangan niyang paghirapan iyon.


8. At para sa mga girls, gusto ni Borgy sa babae ang matangkad tulad din niya, ligh-colored ang mata at dark ang buhok.


9. Mas gusto niyang tawagin siya sa kanyang pangalang Martin kaysa palayaw na Borgy kung saan siya nakilala.


At ayon pa daw sa yumaong talent manager na si Douglas Quijano (base sa artikulo ng Philstar), napaka-humble ni Borgy at walang ere. *


"He didn’t have any bodyguard at all; he carried his own things; he didn’t have any alalay. He’s very likeable, very down-to-earth." Ayon pa daw noon sa talent manager


Samantala, sa isang lumang lathala naman ng PEP noong 2014, binahagi ni Borgy na na-culture shock daw siya nang bumalik siya ng Pilipinas mula sa matagal na paninirahan sa Portugal, dahil kailangang may bodyguard siya sa tuwing lalabas.


“Manila life is surreal. I mean the security detail, even having a driver has always been the weirdest thing for me.


“I would wonder why all these people, who have real military and police skills, were wasting their time waiting around for me.


“In the past I really did it to appease my mother and I am very grateful for having someone to take care of me during my youth.


“But when I came back [after I finished college in U.S.] I said, ‘no more.’” Pahayag noon ni Borgy


At nitong Abril lang ay nasilayan si Borgy kasama ng inang si Imee na nagfo-food trip sa Binondo at kanilang binalikan ang mga paboritong restaurant doon.


Ang mag-inang Imee at Borgy sa Binondo | Larawan mula sa Manila Bulletin


May mga lumalabas din na chismis na nagsasabing mayroon nang anak si Borgy sa kanyang partner, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala itong kumpirmasyon.