Ang pagpukpok ni Divina Valencia noon ng mic sa ulo ng manager ni Pepsi Paloma na si Rey dela Cruz. - The Daily Sentry


Ang pagpukpok ni Divina Valencia noon ng mic sa ulo ng manager ni Pepsi Paloma na si Rey dela Cruz.



Isang matinding showbiz throwback nanaman ang muling napaguusapan dahil sa pagkalat ng isang lumang video mula sa isang talkshow noong 1980's.

Nagka-prangkahan dito ang yumaong talent manager na si Rey dela Cruz at ang beterang aktres na si Divina Valencia hanggang sa nauwi ito sa maanghang na sagutan at pagpalo ni Divina ng mikropono sa ulo ni Rey.




Makalipas ang mahigit 30 taon ay maituturing pa rin ang pangyayaring ito na isa sa mga pinakamainit na eksena sa showbiz na napanood ng live sa telebisyon.

Sa palabas noon na Rumors, Facts and Humors ng ABS-CBN ay nabigyan ng pagkakataon ang talent manager na sagutin ang mga mapupusok na role na pinapasok ng mga alaga niya noon gaya ni Pepsi Paloma.

"Maybe it's beyond my control" ani Rey.

Divina Valencia | Facebook

Showbiz Diaries TV | YouTube



Matatandaang noong 1980's ay nauso ang paggawa at naging kasagsagan ng mga bomba films. Karamihan nga sa mga alaga ni Rey ang sumisikat dahil sa pagbibida ng mga ito sa mga mapangahas na pelikula, kaya siya raw ay isang 'Star Builder'.

Hindi sumangayon dito ang aktres na si Divina, dahil para sa kanya ang mga bomba star daw ay hindi matatawag na mga artista.


Divina Valencia | Facebook

Divina Valencia | Facebook

"Rey wag kang magagalit saken pero ako bilang artista, ayokong matawag yung mga alaga mong artista." sabi ni Valencia.

Dagdag pa nito, wala daw siyang panahon makipagtarayan at ito raw ay sarili niyang opinyon. Huwag rin daw kwestiyunin ang kanyang credibilidad bilang aktres dahil may napanalunan na siyang award.

Ngunit nang sagutin ni Rey si Divina ng "Saan ka ba nang galing?" ay dito na tumigil sa kadadaldal ang dati nang naghubad rin sa pelikula na si Divina at ipinukpok ang hawak niyang mic sa ulo ng talent manager.

Showbiz Diaries TV | YouTube

Showbiz Diaries TV | YouTube


Nagulat ang mga host na sina Chanda Romero, Janice Jurado at Alfie Lorenzo sa nangyari maging ang mga nasa set ay kinilabutan sa eksena. Laking gulat rin ng mga manonood dahil ito'y naganap sa isang live national television.

Nanatiling aktibo at lumalabas pa sa ilang mga telenovela partikular na sa GMA 7 ang beteranang aktres na si Divina. Habang ang manager naman na si Rey ay nasawi dahil sa pamamarĂ¯l noong 1999 sa kanyang tindahan sa Quiapo, Maynila.