Video ni Jhong Hilario na nadulas sa stage ng It's Showtime, trending online! - The Daily Sentry


Video ni Jhong Hilario na nadulas sa stage ng It's Showtime, trending online!



Trending ngayon online ang video ng kilalang politician-host na si Jhong Hilario kung saan huling huli sa camera kung paano siya nahulog sa stage ng It's Showtime habang nakikipagharutan sa co-host na si Vice Ganda.

Nangyari ito matapos nilang makuha ang tamang sagot sa tanong ni Tiyang Amy sa segment nila na "Palarong Pangmadla Vest in Spelling".

Matapos mabuo ang word na 'mannequin; biglang nagharutan sina Jhong at Vice hanggang sa magtakbuhan ang mga ito hanggang sa makaabot sila sa dulong bahagi ng stage at nahulog.

Agad namang tinulungan ni Vice Ganda at ng mga crew si Jhong habang tawang tawa ito sa nangyari sa kanya.

Narito ang video:

Samantala, todo ngiti pa din si Jhong sa kabila ng pagkahulog niya na tila walang nangyari sa kanya.


Source: 1