Astig na artista pero mapagmahal na asawa at ama. Ang totoong Joko Diaz sa likod ng camera. - The Daily Sentry


Astig na artista pero mapagmahal na asawa at ama. Ang totoong Joko Diaz sa likod ng camera.



Umaatikabong aksyon at bakbakan na may magandang kwento. Ito ang mga madalas na pelikula noong 90's na pinangungunahan ng mga malalaking pangalan sa industriya mapa-bida man o kontrabida.

Sa kanilang husay sa pagganap ng kani-kanyang papel ay talagang aakalain mo na pati sa totoong buhay ay sobrang astig ng mga artistang ito.




Isa na nga diyan ay ang batikang aktor na si Joko Diaz. Tila ba ito'y pinanganak para maging action star. Marami ang bumilib sa kanya dahil bukod sa kaya niyang gampanan ang mga lead roles ay mahusay din itong kontrabida sa mga action movies.

Gaya ng kanyang yumaong ama na si Paquito Diaz, hinirang din ito bilang isa sa pinaka mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon.

Joko Diaz | Instagram

Joko Diaz | Instagram


Matipuno, matikas at maangas. Ito ang mga katangian ni Joko na madalas makita sa mga pelikula pero bilang isang ama at pagdating sa kanilang tahanan ay kabaligtaran lahat ng pagka-astig niyang taglay.

Isa siyang malambing, responsable at mapagmahal na asawa at magulang sa kanyang mga anak. Mapapabilib ka rin sa kanya dahil hindi gaya ng iba, kahit isang matayog na bituin si Joko sa industriya ay naging "one-woman man" ito sa kanyang maybahay.

Joko Diaz | Instagram

Joko Diaz | Instagram


Kahit na maypagka- 'playboy' ang datingan ni idol dahil sa tangkad, makisig na pangangatawan at guwapong pagmumukha ay singtatag naman ng de-kalibreng barĂ¯l ang pagmamahal nito sa misis niya.

Patunay nga dito ang kanilang masaya at matibay na 19 taong pagsasama bilang mag-asawa. Bunga nito ay biniyayaan sila ng dalawang anak.

Bakas sa mga larawang ibinabahagi ni Joko ang kanilang simple at masayang pamilya na punong-puno ng pagmamahalan.
Joko Diaz | Instagram

Joko Diaz | Instagram