Lolit Solis, umamin na nai-inggit kay Bea Alonzon: 'Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain' - The Daily Sentry


Lolit Solis, umamin na nai-inggit kay Bea Alonzon: 'Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain'




Larawan mula sa IG ni Bea at PEP Ph




Marami na talaga ang nakakapansin na laging paboritong topic ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo sa kanyang mga social media post at tilla parati niya itong inaasar.

 
At nito lang nga ay may panibago na naman itong komento tungkol kay Bea at sinabi rin niyang naiingit siya sa mga investment ng aktres.


 
Maituturing na magaling humawak ng pera si Bea dahil nakapagpundar ito ng isang malaking farm na tinawag na Beati Firma, kung saan makikita ang lawak at kasaganahan nito sa kanyang mga vlogs.

 
Maliban sa magandang farm ng aktres ay mayroon din itong nabili na ari-arian sa Spain.

 
"Hangga ngayon naiinggit ako sa mga investment ni Bea Alonzo. Imagine mo, ang laki ng farm niya, meron siyang property sa Spain. Bongga. Naging sikat naman mga alaga ko, pero talbog sila sa alaga ni Shirley Kuan na mahilig mag consult sa lawyer sabi ni Chuck Gomez." Sey ni Manay Lolit



 
Ayon pa sa kolumnista at talent manager, nabalitaan daw niya na hindi binabasa ni Bea ang kanyang mga hanash sa social media at nababalitaan nalang daw ito ng aktres base sa mga kwento.*

 
"Isa pang gusto ko consult a lawyer iyon nabasa ko na sagot ni Bea Alonzo tungkol sa mga IG at column ko sa PSN at PM. Sabi niya hindi niya nababasa, nakakarating lang sa kanya. So, iyon mga pinarating lang balita sa kanya iyon naging basehan niya para pa-cancel tayo nila Gorgy, Salve," ani Lolit sa kanyang caption

 
'' Mahilig pala siya makinig sa mga ipinararating sa kanyang balita, now naintindihan ko na bakit siya na ghosting ni Gerald Anderson. Siguro sabi ni Gerald tutal mahilig siya sa mga ipinararating sa kanyang balita, hintayin na lang niya iyon ipararating sa kanya na pinalitan na siya ni Julia Barretto na mas maganda at bata sa kanya.'' Dagdag pa ng talent manager




 
Sinabi pa ni Manay Lolit na nagawa raw ipa-kansel ni Bea ang presscon ng Beautederm  noon nang dahil sa sinabi ng kanyang team at sinabihan ito na masama ang ugali nito.


 
'' Imagine mo, pinararating lang sa kanya ng team Bea niya, nagawa na niya ipa cancel tayo sa presscon ng Beautederm. Wow, ano kaya pinarating ni Shirley Kuan sa kanya para i cancel niya 3 writers? Bongga, powerful, influential, pero hindi nabenta ang product. Hay naku, pretty face nga, bad ugali naman, consult mo sa lawyer iyan Salve at Gorgy. Patulong kayo kay Shirley Kuan at Bea Alonzo. Master nila iyan.'' Ayon pa sa kolumnista