Bea Alonzo, ipinasilip ang sariling chapel na itinayo sa loob ng kanilang napakalawak na farm. - The Daily Sentry


Bea Alonzo, ipinasilip ang sariling chapel na itinayo sa loob ng kanilang napakalawak na farm.



Isa sa pinakamatagumpay at popular na aktres sa bansa, si Bea Alonzo rin ang itinuturing na pinaka simple at humble na personallidad sa industriya.

Sa kanyang mahigit dalawang dekada na pagiging mahusay na artista, isa sa maituturing na pinakamalaking investment nito ay ang kanilang napakalaking farm na tinatawag nilang Beati Firma.




Mula nang ibinahagi niya sa publiko ang kanyang farm sa Zambales ay marami na ang sumubaybay sa napakagandang lupaing ito.

Ang kanyang mga tagahanga ay talagang nakaabang sa bawat kaganapan at update sa naturang farm. Lalo nga ng ipasilip ng award winning actress kasama ang kanyang ina na si Madame M. Ang ipinatayo nilang chapel at gym sa loob ng malawak na lugar.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube


Ang nanay ni Bea na siyang "Queen and Heart of Beati Firma" ang mismong nag disenyo ng chapel na ito.

Isang karagdagang yaman sa patuloy na pagde-develop ng kanilang farm ang chapel na may sukat na 40 square meter.

Mahilig daw magsimba si Madame M. kaya naisipan nila itong ipagawa, hindi lang para sa kanya ngunit pati na rin sa kanilang buong pamilya at kanilang staff at kasamahan sa bahay.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube


Ani Bea, "To be honest, ano na rin namin parang pasasalamat talaga kasi sobrang overflowing yung blessings [na natatanggap namin]. Kaya dapat hindi lang healthy body, kundi healthy soul and healthy mind."

Sa chapel na ito nila balak pabinyagan ang bagong apo ni Madame M. pati na rin ang ang planong muling pagpapakasal ng kapatid ni Bea na si James, ang asawa ng anak ni Bayani Agbayani na si Thalia.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube


Malibang sa munting chapel ay nagpagawa rin sila Bea ng sariling gym na makikita sa likurang bahagi ng kanilang basketball court.

"Katulad ng munting chapel, pinagawan na rin kita ng gym para 'di ka nagrereklamo na tumataba ka everytime na nandito ka" ani Madame M.

Bagong bahay din ang ipinatayo para sa lumalaking bilang ng kanilang mga baboy na sina Sam, Gyup at Sal.

Tunay na kahanga-hanga ang buhay na tinatamasa ngayon ni Bea na bunga ng kanyang pagsusumikap. Ang dating pinapangarap niya para sa pamilya ay ngayo'y naisakatuparan na.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube