Ano na nga ba ang naging buhay ng dating singer na si Donna Cruz at ng asawa nitong doktor na ubod pala ng yaman - The Daily Sentry


Ano na nga ba ang naging buhay ng dating singer na si Donna Cruz at ng asawa nitong doktor na ubod pala ng yaman



Mga larawan mula sa Instagram





Noong 1998, ikinasal ang dating singer at aktres na si Donna Cruz sa Cebuanong doktor na si Dr. Yong Larrazabal na isang ophthalmologist. 

 
Sa edad na 21, ikinasal si Donna kay Yong sa isang dream wedding na ginanap sa Basilica de San Sebastian sa Quiapo, Manila. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng tatlong mga anak.


 
Bata pa lang si Donna nang magsimula ito sa Showbiz pero mas pinili niya ang mas pribadong buhay nang manirahan siya sa Cebu matapos ikasal kay Dr. Yong.


Larawan mula sa Instagram ni Donna Cruz


 
Ayon pa sa ilang mga artikulo, kilala umano ang pamilya ng asawa ni Donna sa queen city of the south na mayamang angkan. 

 
 Sa isang artikulo ng entertainment columnist na si Ricky Lo, ibinunyag na ang mag-asawa ay nakatira sa Maria Luisa Park na tinatawag na Millionaire’s Row. Ang pangalan ay nakatayo para sa sarili nito dahil ito ang bersyon ng Makati's Forbes Park sa Cebu.


 
Ang mga Larrazabal umano ang nagmamay-ari ng Cebu Doctors University Hospital kung saan nagpapatakbo naman ng klinika ang asawa ni Donna na si Dr. Yong.  Ang kanilang angkan umano ay itinuturing na isa sa mga "elite" na pamilya ng Cebu.*

 
Ayon pa sa kolumnista, “mansion” kung mailalarawan ang tahanan ng mag-asawa dahil sa laki nito.

 
Screen grab mula sa YouTube



May kabuuang sukat daw na 2,700 square meters ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay at ang floor area nito ay umaabot ng 1,500 square meters.

 
Kapitbahay din nina Donna at Yong si Mrs. Amparito Lhuillier, ina ng sikat na international Filipina fashion designer na si Monique Lhuillier.


Larawan mula sa Sunstar Cebu



 
Sa isang news article naman ng website na PhilNews, maraming mamahaling sasakyan umano ang nakaparada sa garahe nina Donna at Yong katulad nalang daw ng Ferrari 458, Maserti Levante, Mercedez Benz, Land Rover Defender Black and Green at 1965 Shelby Cobra.