Allan K, dismayado sa Miss Universe 2022: “Hindi talaga dapat taga thailand ang pinapahawak ng mga beauty contests” - The Daily Sentry


Allan K, dismayado sa Miss Universe 2022: “Hindi talaga dapat taga thailand ang pinapahawak ng mga beauty contests”



Hindi naitago ng beteranong komedyante at Eat Bulaga host na si Allan K ang pagkadismaya sa naging pagbabago sa Miss Universe Organization.
Allan K and Anne Jakrajutatip / Photo credit to the owner

Sa kanyang Tweet idinaan ni Allan K ang kanyang opinyon sa organisasyon na pinamumunuan ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip.

Ayon sa komedyante, hindi umano dapat taga Thailand ang humahawak sa mga beauty pageants dahil sa kanilang pananaw.

“Hindi talaga dapat taga thailand ang pinapahawak ng mga beauty contests eh. Iba ang pananaw nila,” tweet ni Allan.

Maging ang speech ni Jakrajutatip ay pinuna rin ni Allan.

“May paspeech? Galit sa mundo.”

Matatandaang umani ng kritisismo ang naging speech ng Thai billionaire kamakailan dahil ayon sa mga netizens, patungkol lamang daw sa kanyang sarili ang speech nito.

“Welcome to the Miss Universe Organization. From now on, it’s gonna be run by women, owned by trans woman for all women!”


***