Elisse Joson, positibong haharapin ang 2023. Kanyang mga plano at layunin, ibinahagi sa social media! - The Daily Sentry


Elisse Joson, positibong haharapin ang 2023. Kanyang mga plano at layunin, ibinahagi sa social media!



Sa kabila ng isyu ng hiwalayan nila ng aktor na si McCoy de Leon, positibo pa rin ang pananaw ni Elisse Joson para sa bagong taon.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang maiksing video reel kung saan isinaad niya ang kanyang mga plano para sa kanyang holistic growth.




Ayon sa aktres, nais nitong ipagpatuloy ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain para mapanatili ang malusog na pangangatawan. Tutukan ng maigi ang trabaho at i-manipesto ang maraming biyaya.

Mas aalagan rin daw nito ang kanyang sarili at bibigyang halaga ang bawat sandali ng kanyang buhay para sa panibagong taong ito.

"2023 goals"

"consistent healthy eating,"

"focus on work and manifesting more blessings,"

ElisseJoson | IG

ElisseJoson | IG


"cherishing each moment big or small,"

"taking better care of my self."

Base naman sa iba mga pang post ni Elisse sa kanyang social media account ay tila nasa bakasyon pa rin ito. HongKong ang pinaniniwalaang kasalukuyang destinasyon ng dating PBB housemate kung saan kasama niya ang anak nila ni McCoy na si Felize at ang ina na si Christine Diuco.

ElisseJoson | IG

ElisseJoson | IG


Suportado naman ng mga fans nito ang mga plano ng kapamilya actress para sa taong 2023.

"Go go go girl. It’s time for you to shine. Take care always"

"Tama yan! It's not Elisse Joson's lost, its Mc Coy's! Ang ganda ni Elisse para mag mukmok at sayangin ang oras sa isang tulad lang ni Mc Coy! Mdami pa cya mtatagpuan na deserved nya. Ung magsisikap, mamahalin clang mag ina at hndi ipagpalit sa iba!"

ElisseJoson | IG

ElisseJoson | IG