Batang nagbihis Sto. Niño, kinaaliwan ng mga deboto! Nag-flying kiss pa sa mga bumabati dito. - The Daily Sentry


Batang nagbihis Sto. Niño, kinaaliwan ng mga deboto! Nag-flying kiss pa sa mga bumabati dito.



Kaliwa't kanan na ang mga parada sa iba't ibang lugar kung saan bida ang imahe ng mahal na Sto. Niño dahil sa nalalapit na pista para dito.

Isa sa mga pinakaaliwan at pinagusapan sa social media ay ng mamataan ang isang batang nagbihis Sto. Niño sa isang parada sa Sinulog Cebu kamakailan.




Ikinagulat kasi ng marami ang sobrang pagkakahawig nito sa santo. Buhat buhat ito ng isang lalaki na kung hindi gagalaw ay aakalain mo talaga itong isang rebulto. Pero para sa mga manonood ay kumaway kaway ito at nag "flying kiss" pa sa mga deboto.

Sa Tiktok naman kung saan nag viral ang bata ay kinagiliwan ng husto ng mga netizens ang video nito na ibinahagi ng user na si @diko.mo.saba.

@diko.mo.saba | TikTok

@diko.mo.saba | TikTok


"Ka gwapa ani buyag oy #pitsenyor #cebucity" sabi sa caption nito.

Inulan ito ng mga reaksyon ng mga naaliw, nagulat at kinilig na mga netizen sa nasabing bata. Sayang nga lang at hindi ito napangalanan ng video uploader sa kanyang post.

Isa na rito ang komentong "Ang cute sana may milagro na mabuntis nako this year."

Sa Linggo, Enero 15, gaganapin ang kapistahan ng Sto. Niño sa maraming bahagi ng bansa.

@diko.mo.saba | TikTok

@diko.mo.saba | TikTok