Rendon Labador binigyan ng payo ang dating aktor na si John Regala - The Daily Sentry


Rendon Labador binigyan ng payo ang dating aktor na si John Regala



Maraming sikat na artista noon sa Philippine showbiz ang nawala na ngayon sa limelight. Mayroong mga mas pinili ang pribadong buhay at manirahan sa ibang bansa, mayroon din namang mga nagtayo ng sariling negosyo.
Rendon Labador at John Regala / Photo credit to the owner

Sa kasamaang palad, may mga artistang hindi naging maganda ang buhay at naghirap dahil hindi nag-ipon o nalulong sa masamang bisyo.
`
Isa sa kanila ay ang magaling na aktor na si John Regala. Tiyak na marami ang nakakakilala sa kanya dahil palagi niyang ginagampanan ang mga “kontrabida” sa mga pelikula at teleserye.

Matatandaang humihingi ng pinansyal na tulong si John sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho sa showbiz ngunit hindi na umano nila siya pinapansin.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Mga kapatid ko sa industriya ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” saad ng aktor.

Samantala, isa sa mga nagbigay ng payo kay John ay ang motivational speaker at content creator na si Rendon Labador.

“Sarili mo lang makakatulong sayo. Masakit na aral to sa lahat ng celebrities! Mag isip kayo ng LONG TERM habang kaya ninyo pa. Magising kayo sa katotohanan,” sabi ni Rendon.


Si John ay lumabas sa halos 100 na pelikula at minsan din naging direktor kaya nakakapagtaka na hindi ito nakapag-ipon para sa kanyang retirement.
Photo credit to the owner

Taong 2020 nang kumalat sa social media na mayroong malubhang sakit ang aktor at nangangailangan rin ito ng tulong pinansyal.

Matapos mag-viral ang kanyang larawan, maraming artista ang nagpa-abot ng tulong sa aktor.

Sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo ang personal na bumisita at tumulong kay John.
Photo credit to the owner

Subalit hindi natuloy ang pagtulong nila kay John dahil anila, gusto lamang daw gamitin ng aktor ang perang ibinibigay sa kaniya para sa sariling bisyo.

Narito ang pahayag nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo:

Photo credit to the owner

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin gumagaling ang aktor at patuloy na humihingi ng tulong.


***