Baby Meteor, 4 days old pa lang pero insured na! 650k na ipon ni Whamos ibinigay sa anak. - The Daily Sentry


Baby Meteor, 4 days old pa lang pero insured na! 650k na ipon ni Whamos ibinigay sa anak.



Masayang masayang ibinahagi ng vlogger at fist-time daddy na si Whamos Cruz ang kanyang regalo sa anak na si baby Meteor.

Ilang araw pa lang mula ng lumabas sa sinapupunan ng asawang si Antonette ang sanggol na si Adriel Meteor Cruz pero ang kasiguraduhan para sa magandang kinabukasan ng bata ay napaghandaan na ng mag-asawa.





Sa bagong vlog ni Whamos ay ipinakita nito ang ipon nilang mag-asawa na nagsimula pa lang nung ipinagbubuntis ni Antonette si baby Meteor.

Mula raw kasi ng binalak nilang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak ay pinag planuhan na nilang maigi ang buhay na ibibigay nila para dito.

Bukod sa maayos na panganganak at kumpletong kagamitan para sa bagong silang na sanggol ay pinaghandaan na rin nila ang insurance nito.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook



Sa video nito ay ipinakita niya ang pagbubukas ng kwadradong alkansya at pagbibilang ng tig-iisang libong pisong inipon nila ng isang taon. Umabot ang kabuuang halaga nito sa nakakalulang 650 thousand pesos.

Iginit ni Whamos na hindi niya raw ito isinasapubliko para ipagmayabang bagkus ay nais niyang maging inspirasyon siya ng mga ibang magulang gayun din sa mga nagbabalak na bumuo ng pamilya.

Whamoscruz | Facebook


Whamoscruz | Facebook



"Ang sarap sa feeling pag nakaipon ka ng ganyan lalo na para sa magiging baby niyo kaya kung ako sa'yo sana na-inspire ka sa video na'to at mula ngayon mag ipon ka na kung gusto mong magka-baby"

"At kung hindi man para sa baby mo, para sa sarili mo" "ang importante mag ipon ka"

"Kung may pangarap ka gagawa ka ng paraan para umahon ka sa buhay" payo ni Whamos.

Whamoscruz | Facebook


Whamoscruz | Facebook