Alex Gonzaga, may sagot sa "artistang matanda": "She’s painting me as the bad guy" - The Daily Sentry


Alex Gonzaga, may sagot sa "artistang matanda": "She’s painting me as the bad guy"



Kamakailan ay nag-viral sa social media ang pag-amin ng veteran actress na si Dina Bonnevie na si Alex Gonzaga nga ang kanyang tinutukoy na “unprofessional” sa isang blind item noon.
Alex Gonzaga and Dina Bonnevie / Photo credit to the owner

Hindi na sana mauungkat pa ang issue patungkol sa dalawang aktres kung hindi sana naglabas ng pahayag si Alex patungkol sa kanyang worst experiences.

Sa isang podcast noong nakaraang Disyembre, inalala ni Alex ang nasabing pangyayari sa pagitan niya at sa isang “artistang matanda” umano na tila pinagmumukha siyang masama.

“There was a time in my early 20s. Pinagsisigawan ako ng artistang matanda. Pinagsisigawan nya talaga ko from head to foot. Kasi akala niya galing ako sa bahay tapos late lang ako. Di nya alam na galing ako sa work. Kasi siguro hindi sinabi sa kanya,” sabi ni Alex.
Alex Gonzaga / Photo credit to the owner
Alex Gonzaga / Photo credit to the owner

“After how many years, she’s painting me as the bad guy. Na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think ako yan. Parang yung kwento ko yung sinasabi nya. Pero parang mali yung kwento nya. Diba may mga ganun.

“May mga tao who did you wrong and then you won’t even talk about it. Parang you’ll just let it be. And then pag sila pa yung nagkwento, sila pa yung mabait [at] ikaw pa yung masama. And then naisip ko, panong dapat kong gawin pag ganun? And then ang daming uma-agree. Naisip ko, wala. Kasi alam ko naman yung katotohanan eh,” dagdag ni Alex.
Alex Gonzaga / Photo credit to the owner
Dina Bonnevie / Photo credit to the owner

Dahil sa kanyang pahayag, na-curious ang mga netizens kung sino nga ba ang binabanggit na ‘artistang matanda’ ni Alex.

Samantala, sa isang interview naman ni Boy Abunda kay Dina, inamin nito na si Alex ang aktres na tinawag niyang “unprofessional” noon nang magkasama sila sa isang television show ng TV5 noong 2011.
Dina Bonnevie / Photo credit to the owner
Dina Bonnevie / Photo credit to the owner

Ani Dina, maraming beses raw niyang kinausap si Alex noon dahil palagi itong late at hindi marunong umarte.

“Sabi ko hindi pa ipinapanganak ang babastos sa akin Alex, kinakausap kita nang maayos. If you want to stay long in this business you have to be professional. Lagi kang late, you know, you can’t even memorize your lines, hindi ka makaiyak.” kwento ni Dina.

“I’m not talking to you like this because I want to pull you down, I want you to succeed in your career, I want you to be big in this business,” dagdag nito.


***