Ogie Diaz ibinulgar ang mga naging gastos umano ni Pokwang sa kanilang pagsasama ni Lee O'Brian - The Daily Sentry


Ogie Diaz ibinulgar ang mga naging gastos umano ni Pokwang sa kanilang pagsasama ni Lee O'Brian



Sa kanyang bagong vlog, nagkwento ang talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa kanyang kaibigang si Pokwang at sa dating partner nito na si Lee O'Brian.
Ogie Diaz, Pokwang, Lee O'Brian and Malia / Photo credit to the owner

Sa kanilang kwentuhan ni Mama Loi Villarama, ibinulgar ni Ogie ang mga naging gastos umano ni Pokwang noon.

Aniya, ipinagpaalam na raw niya kay Pokwang kung maaari ba niya itong sabihin sa publiko at pumayag naman ang kanyang kaibigan.

"Matagal na 'tong nakatago sa akin so ipinagpaalam ko kay Mareng Pokwang kung pwede ko sabihin dito ngayon," ani Ogie. 
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Ogie Diaz / Photo credit to the owner

Ayon kay Ogie, “not in good terms” raw sina Pokwang at Lee ngayon.

"As per Mamang Pokie ay lahat siya na ang gumastos. Mula sa kanyang pagbubuntis, mula sa mga vitamins na iniinom niya habang siya ay nagbubuntis kay Malia, sa pagpapa-ospital, sa binyag, sa unang kaarawan ni Malia, sa lahat ng kaarawan na nagdaan kay Malia, siya na lahat." 
Lee O'Brian and Pokwang / Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Ogie, pinili raw ni Pokwang na huwag itong sabihin kaninoman dahil si Lee pa rin ang ama ng kanyang anak na si Malia.

“Hindi naman din niya sinabi kung kani-kanino na siya lahat ang gumagastos sa lahat. Literal. Kumbaga sa kanya nakatira raw itong si Papang at siya lahat ang gumagastos. Kahit na raw yung mga pagpunta sa US ni Papang, ni Malia para dalawin yung parents ni Papang, siya pa rin daw. Business class pa yun, binawas sa talent fee niya. Ultimo yun mga panggatas ni Malia, school ni Malia, siya rin daw yun. Wala raw ano si Papang doon. Kaya lang, nakuha niyang ipagtanggol dahil tatay pa rin ito ng anak niya," kwento ni Ogie. 




***
Source: KAMI