The Daily Sentry: Mobile Legends
Showing posts with label Mobile Legends. Show all posts
Showing posts with label Mobile Legends. Show all posts

Mag-asawang parehong lulong sa Mobile Legends, nauwi sa sakitan at hiwalayan ang pagsasama

5:27 AM


Screencap photo from Raffy Tulfo in Action


Dumulog sa programang "Raffy Tulfo in Action" ang isang lalaki na kinilalang si Marc Kevin Labbao upang humingi ng tulong para makausap ang kanyang misis na si Marie Labbao na syang inerereklamo ng kanyang mister.

Ayon sa kwento ni Marc, lumayas daw ang kanyang misis matapos silang mag-away dahil sa sobrang paglalaro ng ginang ng sikat na Mobile Legends. *


Dagdag pa ni Marc, maghapon daw itong nakababad sa paglalaro ng nasabing online games, mula umaga pagpasok nya sa trabaho hanggang sa makauwi na ito ng bahay ay naaabutan pa rin nya ang asawa na nakahiga at patuloy pa ding naglalaro ng Mobile Legends samantalang tambak pa rin ang hugasang pinggan.

Kabila nito, mahal na mahal pa rin nya ang kanyang misis, at nakikiusap ito na bumalik na ito ng kanilang bahay at ayusin na ang kanilang relasyon.

Subalit nang magkaharap na sa pamamagitan ng video call ang mag-asawa, sinabi naman ni Marie ang kanyang side.

Umiiyak at galit na galit itong nagkwento tungkol sa ginawa sa kanya ng asawa at sariling ina nito. Ani Marie, parang hayup daw syang pinagtulungang bugbugin ng kanyang asawa at ng kanyang sariling ina kaya nagpasya si Marie na lumayas na sa kanilang tahanan.*

Photo courtesy of Facebook and Raffy Tulfo in Action


Kwento pa ni Marie, Nais nya nga ireklamo ang kanyang mister dahil sa pananakit nito sa kanya, Dahil parang hayup daw umano ang ginawa sa kanya nito. Maging ang kanyang ina mismo daw umano ay tumulong pa sa pambu-bugbog sa kanya.



Habang binubugbog daw sya ni Marc ay nanunuod lamang ang kanyang ina imbes na awatin ang asawa, at hinubaran pa daw umano mito ang lahat ng kanyang suot na damit at pinagpupunit ito.

Sinabihan pa raw ng kanyang ina si Marc na kaladkarin sya hanggang sa labas ng kanilang bahay para daw magtanda ito.        

Depensa naman ni Marc, nagsimula daw ang lahat dahil sa pagiging adik ni Marie sa Mobile Legends. Ani Marc, naglalaro din daw sya ng Mobile Legends pero hindi siya kasing talamak ni Marie kung maglaro nito.*


 
Photo courtesy of ABS-CBN Sports

At dahil sa pagka-adik ni Marie sa Mobile Legends, napapabayaan na raw ng asawa ang responsibilidad nito bilang may-bahay at maging ang responsibilidad nya bilang ina sa kanilang paslit.

Pinakiusapan ni sir Raffy si Marie, kung maaaring itigil na nito ang paglalaro ng Mobile legends alang-alang sa kanilang anak.


Aminado si Marie na labis ang kanyang pagka-humaling sa larong ito, ngunit hindi raw ito dahilan para siya ay bugbugin ng dalawa at tratuhin na parang baboy. 

Giit ni Marie, pwede naman sya kausapin ng maayos ng mga ito, at hindi sa madahas na paraan at halos ipahiya pa sya sa kanilang mga kapit-bahay.

Ang matindi pa nito, matapos daw sirain ni Marc ang kanyang mga damit ay ginalaw pa daw umano sya ng kanyang asawa.

Hindi na nga nagawang magreklamo sa kinauukulan si Marie para ipa-blotter ang kaniyang asawa at ina, dahil para sa kanya, para sa ano pa na kasuhan nya ang mga ito, at naturang mga kamag-anak naman nya ang mga ito.

Agad namang nagbabala si sir Raffy na maaring makulong si Marc dahil sa ginawa nito sa kanyang may bahay.

Ani Tulfo, kahit na maghapon at magdamag ang kanyang asawa ay hindi ito dahilan upang bugbugin ito.

Agad namang pinaratangan ni Marc ang asawa na may ibang ka-chat ito sa cellphone. *


Photo courtesy of Raffy Tulfo in Action and Mobile Legends Forum


Ngunit mariin itong itinanggi ni Marie at wala daw ebidensya si Marc para patunayan ang paratang. Tumanggi pa rin si Marie na makipagbalikan sa asawa dahil sa labis na pagdadamdam.

Para naman kay Raffy Tulfo, kanyang pinayuhan si Marc na dapat na bigyan muna ng oras ang asawa upang makapag-isip pa ito alang-alang na rin sa kanilang nag-iisang anak.

Sinabihan din nito si Marc na kung maaari ay suyuin ang asawa at humingi ng tawad upang humupa ang galit at hanggang sa mapatawad na sya nito.


Samantala, nagpaalala na rin si sir Raffy na kung maaari ay ipagbawal na ang labis na paglalaro ng Mobile legends. Lalo na umano kung ito ay nakakasira na ng relasyon sa bawat pamilya.

Pinayuhan din ni Raffy Tulfo si Marc na gumawa ng paraan na suyuin ang kanyang misis at kanila itong babalikan matapos ang isang linggo para sa mga sumusunod na mangyayari.



Ibang news outlet naghahanap ng kapalpakan sa SEA Games - Volunteer

8:08 PM
Kumalat sa social media ang mga masasamang balita patungkol sa idinaraos na SEA Games sa ating bansa.
Popong Laurin / Larawan mula Twitter

Kabilaan ang pagbabalita ng malalaking media outlets sa mga hindi magagandang nangyayari sa SEA Games at halos wala ng makitang maganda rito.

Ayon sa Facebook post ng isang netizen, walong taon na umano siyang volunteer para sa Bansa. Bilang volunteer sa SEA Games, ayaw niyang palagpasin ang mga negative feedbacks mula sa media at social media.

Sa post ni Popong Laurin, hindi umano niya maintindihan kung bakit ganito ang ginagawang balita ng ibang news outlet dito sa Pilipinas.

Parang member sila ng isang grupo na taga hanap at highlight ng kung anong kapalpakan na mangyayari sa SEA Games.
Larawan mula Rappler

Kwento niya, hindi naman raw gutom ang mga athletes sa SEA Games, lalo na ang mga VIP guests at officials. 

Dagdag pa niya, sadyang may mga bagay na palpak, ngunit hindi na natin dapat pang palakihin ito.

Ang payo niya sa kapwa Pilipino ay huwag basta basta maniniwala sa mga nakikita o nababasa sa social media. 

Hinihikayat rin niya ang lahat na isantabi muna ang Politika at magkaisa bilang isang Pilipino.

Enough of the Politics. Let us, at least be proud of ourselves as a Filipino. Be there for the country and stand by her as we try to uplift our nation.”

Narito ang kanyang buong post:

"1st day of official duty.

Pasintabi po ulit pero mahirap pong palampasin ung mga negative feedback sa media at social media.

Ako po ay isang volunteer ng SEA Games, walang taong pinagtatangol or grupong kinaaaniban bukod sa pagiging volunteer para sa Bayan.

1st hand experience ko po to, hindi ko nadampot sa social media ung mga bagay na to.
Larawan mula Mikasasport

Pero d ko maiintindihan ung ibang news outlet natin d2 sa Pinas. Parang member sila ng isang grupo na taga hanap at highlight ng kung anong kapalpakan na mangyayari sa SEA Games.

Bilang na bilang ang mga success stories na inilalabas nila.

Based sa aking 1st hand experience:

D naman gutom ang mga athletes, lalo d gutom ang mga VIP guest at officials.
Ang mga volunteers, satisfied naman kami.

Madalas ang mga athletes and guest pa ung tumatangi pag aalukin silang kumain.

Oo may mga bagay na d perpekto. Pero sino ba sa tin ang may gusto na pumalpak? O Kaya naman, sino ba talaga ang naghahangad na pumalpak tyo?

May mga gusot man a long the way, pero nung nag simula na ung mga games naglaho na ung mga maliliit na bagay napilit pinalalaki ng iba.

Ang Mahalaga pa dun, na tuloy ang Laban at naging maayos ang palaro.

Ito pong post na to ay para mapalakas ang loob ng mga kapwa ko volunteers. Alam natin ang totoo, at nakikita natin ang effort ng mga taong nasa likod ng SEA Games.
Larawan mula Interaksyon

Hindi lahat ng nasa News at News feed natin sa Social Media ay totoo. Wag kyong panghinaan ng loob kasi para sa Bayan to.

Mas gustuhin natin na iangat ang bawat Pilipino kaysa makisali sa mga ingay ng iba Jan. Who knows a little about how we run things for the success of the SEA Games.

Sa Nov. 30 palang ang opening ceremonies, pero may mga nagsasabi na palpak na daw ang hosting ng SEA Games?! Ito lang ang magsasabi ko, napakajudmental naman nila. Ni hindi ko man nakikita mga anino nila sa mga events and preparation ng SEA Games e, sa FB lang sila kumukuha ng information nila.

Enough of the Politics. Let us, at least be proud of ourselves as a Filipino.

Be there for the country and stand by her as we try to uplift our nation.

Hindi lahat ng news at nasa feed sa social media ay totoo.

Worst thing is, ung mga maliliit na bagay ang kadalasang Hina highlight at ginagawang sensationalized."



***

Isang ML Player na may cancer, nanawagan ng pilot service para kumita ng pera pampa-opera

3:05 AM
Pinagsamang larawan mula kay Joshua Gianan
Nakaka-lungkot ang mga taong mayroong karamdaman na kaya naman sanang mapagaling ngunit hindi magawang mapagamot dahil narin sa problema sa pera.

Ganun pa man, mas nakakalungkot isipin na mayroon isang tao na kahit alam nitong walang-wala siyang pera sa bulsa para ipagamot ang kanyang karamdaman ay nagpupursigi parin siyang lumaban sa buhay.

Nakakamanghang isipin na sa likod ng hirap na kanyang dinaranas ay patuloy parin siyang lumalaban dahil gusto pa nitong mabuhay.

Viral ang post ng isang Mobile Legends player kung saan ay nanawagan siya sa mga katulad nitong gamer na tumatanggap ito ng pilot service para ang kanyang kikitain ay pang-dagdag sa nalalapit niyang operasyon.

Ayon kay Joshua Gianan, mayroon siyang cancer at haharap nanaman siya sa kanyang operasyon ngunit wala siyang income kahit na kusing, kaya naman nanawagan ito ng kaunting tulong.

Sinabi din ni Joshua na hindi lang Mobile Legends na laro ang kaya niyang i-pilot dahil marunong din siya sa kahit na anong mobile games.
 Larawan mula kay Joshua Gianan
Madaming netizens naman ang nagpaabot ng pagdamay at hinikayat nila si Joshua na maging lakas sa mga hamon sa kanyang buhay. 

Anifred Olvida Kaya mu yan lodi, madami tayung ka laro na may kaya at kumita sa pagiging player nila sa laro, isa din nmn tayu sa mga nag e-idulo sa kanila kaya d magdadalawang isip mga yan,palakas lang kay sa mag pilot ka para sa needs mo mabinat kapa. Godbless lodi.

Oliver Lobo Nananawagan ako sa mga malalaking streamer dyan tulad ni lodi Choox at Dogie, sana matulungan niyo po si Joshua.
 Larawan mula kay Joshua Gianan
 Larawan mula kay Joshua Gianan
Derick Christian Abrenica Ceasar Guys pray for joshua para maka recover sya 😔🙏 di man tayo makatulong sa financial support nya makakatulong tau through prayers guys 😊

Alex Fernandez Sir n shared ko n ung post mu s group n mga nsalihan ko sna may mga tumulong syo kya mu yan

Marjohne B Pajarito Josh get well soon. Pray lang kay god makakaya mo. Den yan basta wag kang mawalan ng pag asa dahil andyan lang sya para sayo 😊
 Larawan mula kay Joshua Gianan
Basahin ang buong post ni Joshua sa ibaba:

"Hi sa mga streamer andito po ako para po malaman nyu po na tumatanggap po ako ng pilot service kahit anung laro kaya ko btw sa mga mag sasabing scam wag po kayung mag alala ako mismo pupunta sa inyu dahil sa PWD na ko kaya wala akong income kahit na piso my cancer pala ako nililinaw ko lng po haharap nanaman po ako sa isang operasyon papalipasin lng ang bagong taon gusto ko lng po makaipon para my panggastos po ako sa panahon na yun okay namn ako ngayun kailangan ko lng mag handa kahit financial salamat po sa inyu lahat pm lng po sa gusto salamat ulit
09380794232 contact no. Ko mga lods nagawa ko na po to dahil gusto pang mabuhay salamat sa nakakaintindi MANILA AREA LNG PO
Gcash accnt 09150362064 lahat ng tulong malaki man o maliit acceptable malaking tulong yan para sakin salamat po"

****

2 binata tinamaan ng kidlat habang naglalaro ng “Mobile Legends”

8:28 PM
Larawan mula sa Abante
Sadyang hindi maiiwasan ng kahit na sino kapag ang kidlat ay umatake sa isang tao o isang ari-arian dahil hindi nalalaman kung saang direksyon ito tumatama.

Ganun pa man, kaawa-awa ang nangyari sa dalawang binata matapos itong tamaan ng kidlat habang naglalaro ng mobile game na "Mobile Legends Bang Bang" sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.
Larawan mula sa Abante
Ayon sa inilabas na balita ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), nakilala ang sunog na katawan ng magpinsan na sina Jimboy Laura, at Jericho Laura, parehong 18-anyos ang edad.

Nagbigay naman ng paliwanag ang isa sa magulang ng bata, ayon sakanya, nagpaalam umano ang binatilyo upang maghanap ng malakas na signal para makapaglaro ng maayos ng online game na “Mobile Legends”.

Dahil sa sobrang hina ng koneksyon at ma-lag ang laro, naisipan ng dalawang binatilyong ito na maghanap ng magandang signal sa mataas na lugar.

Makalipas ang ilang minuto ay napansin ng ina na dumilim ang kalangitan at nagkaroon ng malalakas na pagkidlat sa lugar dahilan ng pagkatama sa dalawang binata.

Matapos nito ay hinanap ng mga magulang ang dalawang binatilyo at natagpuan ang dalawa sa ilalim ng puno sa wala ng buhay.

Natagpuang sunog ang katawan ng dalawang bata habang ang gamit nilang cellphone ay nakitang pira-piraso na.

Nagbigay naman ng payo ang mga eksperto na dapat huwag gumamit ng cellphone kapag kumikidlat dahil may posibilidad na nakaka-attract ito sa kidlat.

Basahin ang ibat-ibang komento ng netizen sa ibaba:

Donald Naku po, kawawa naman yung dalawa. naglaro lang ng mobile legends tapos nakidlatan pa.. condolence po sa family.

Aika Mendoza totoo po yan. taga saamin yang mag tito na yan. nakaka awa po talaga ang nangyari sa kanila.
Larawan mula sa GatgetMatch
Larawan mula sa UNTV
Fernando Sana naman po kasi lakasan na ang signal sa bansa natin para hindi na hirap mag laro ng mobile legends ang ating mga kababayan. hahaha

Fernicol Buado Kasalanan ng Globe yan mahina data eh

****

Source: Abante

Sikat na Pinoy Mobile Legends player, naglunsad ng fundraising para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

5:31 AM

Mga larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV


Manila, Philippines – Kamakailan lang ay niyanig ng sunod-sunod na paglindol ang ilang bahagi ng Mindanao, kasama na ang Davao City na syang higit na hinagupit ng lindol.

Marami ang naging biktima nito, may ilan pa ngang hindi pinalad, ang iba naman ay sugatan. Maging ang ilang mga gusali at kabahayan ang nasira ng mga malalakas na paglindol.

Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang higit na nangagailangan ng tulong, gaya ng mga pagkain, tubig, damit at maging masisilungan. *

Tulong para sa mga biktima ng lindol

Bunsod nito, bumuhos ang tulong at donasyon mula sa iba’t ibang parte ng bansa at maging sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ilang mga celebrities din ang makikitang personal na pumunta sa lugar ng mga naapektuhan  ng lindol gaya na lamang ng sikat na sikat na aktres na si Angel Locsin.

Mayroon ding iba na ginamit ang kanilang impluwensya sa social media para makalikom ng donasyon, tulad na lamang ng isa nating kababayan na on line gamer.

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang local celebrity streamer na si CHoOx, dahil sa inisyatibo nyang gamitin ang kanyang game streaming na  “CHoOx TV “ para makahikayat mag-donate ang mga netizens  para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao lalo na sa Cotabato. *

Larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV

Nag-enjoy ka na nakatulong ka pa 

Nagsagawa ang CHoOx TV ng misang linggong fund raising event na tinaguriang ‘Stars For A Cause’ na nagnanais tumulong sa mga biktima ng lindol na naganap sa Cotabato.

Ayon ka CHoOx, sa tuwing magbibigay ng mga ‘stars’ sa kanyang mga Facebook game streams sa larong Mobile Legends: Bang Bang ang mga viewers may katumbas itong halaga.

Bawat ‘star’ na ibibigay sa FB live stream ni CHoOx ay may katumbas na bilang mga donasyon at direktang mapupunta para sa mga nasalanta nating mga kababayan sa Mindanao.

Nagsimula ang isang linggong charity event ni CHoOx noon pang November 2, at inaasahan itong magtatagal hanggang November 8.

Agad na nakalikom si CHoOx ng halagang $1371.50 o P69,137 ang kanyang channel sa unang araw pa lang nito, at nasa $725.13 o P36,611 naman sa pangalawang araw nito at sa ikatlong araw ay umabot ng $1039.00 o P52,485.00.

Ang kasalukuyang bilang ng nalikom ay umaabot nan g $3,135.63 o lagpas P158,000. Inaasahan pang madadagdagan pa ito sa mga susunod pang mga araw hanggang Nobyembre 8.

Ang mga nalikom na donasyon ay ginagamit pambili ng mga relief goods na higit na kailangan ng
mga nabiktima.

Samantala, makikita sa FB page ng CHoOx TV ang lahat na nabiling mga relief goods gaya ng pagkain, instant noodles, coffee, can goods at mga kagamitan para sa mga biktima.

Kasalukuyan pa ring mapapanood ang mga streams ni CHoOx sa kanyang facebook page at maaring  magbigay ng mga donasyon sa pamamagitan ng pag-send ng mga ‘stars’.

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay ang pinakasikat na mobile game sa bansa at sa iba’t ibang parte ng South East Asia. Ito ay maaring malaro on line ng maraming players sabay-sabay.

Larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV



Source:PhilNews

Isang Pinoy Gamer Ibinunyag ang mga Dahilan Kung Bakit nya Iniidolo si ChoOx TV

5:09 AM
Edgar Dumali aka Choox TV
Sikat na sikat ngayon ang online game na Mobile Legends sa Pilipinas. Halos lahat ata ngayon ay naglalaro na nito.

Dahil sa katanyagan ng larong ito, madami ang naeeganyong maging bihasa at famous na manlalaro nito sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook.

Isa sa mga mabilis na nakilala sa nasabing online game ay si Edgar Dumali o mas kilala bilang 'ChoOx TV'. Madami ang humahanga kay ChoOx dahil sa kanyang nakakaalis na style ng pagla-live stream. Siya ang nagpasikat ng paggamit ng mga hero na gaya ni Layla na isang marksman pero ang build ay tank.

Isang Pinoy gamer ang humahanga ngayon kay ChoOx. Ayon sa Facebook post ni Jerome Hayase, iniidolo nya daw ang sikat na streamer dahil napapasaya sya nito. Ayon sa kanya, down to earth at tanggal ang stress nya kapag pinapanood nya ang sikat na streamer.


Narito ang buong Facebook post ni Jerome Hayase:

Tinanong ako Bakit Idol ko daw si Choox!? Eh di nmn daw sya marunong maglaro ng ML.

Me: Simple lang kase napapasaya nya ako, sobrang down to earth pa. Tanggal stress pag napapanood ko sya 😊 Tapos dipa sya kagaya ng ibang streamer na madami ng VIEWERS di manlang marunong magpasalamat, sya kahit di nya na shoutout iba dahil sa sobrang dameng VIEWERS, sabihin nya lang Shoutout sa 11m VIEWERS ko Salamat mga prii.. Yung simpleng salita nya lang pero ramdam mong Totoong tao sya pag nag streamer 😍 Yung ramdam mo na sobrang saya nya pag marami syang napapasayang tao 😘

Kaya Lodi Choox ituloy mo lang yan dahil sayo maraming nag Lalayla na Tank Joke 😂😂

Hindi purkit malakas or magaling ka, dapat kanang hangaan. Ang tunay na malakas yung kayang handang gawin ang lahat Mapasaya lang mga VIEWERS nya. Handang isakripisyo ang star para sa mga taong napapasaya nya 😊

Dalawang Kabataan Patay Matapos Tamaan ng Kidlat Habang Naglalaro ng Mobile Legends sa Bundok

9:50 AM
Photo from CNN Philippines
Two Teens Playing Mobile Games Killed By Lightning

Mobile games are a lot of people's way to escape reality and enjoy for a bit before going back to living their lives. Playing games per se is not bad or lethal, it just becomes dangerous when it becomes excessive or sometimes in a just a strike of luck - or should we say lightning.

Lightning strike

Two 18-year old cousins from Camarines Norte lost their lives as they were struck by lighting while playing online games Saturday afternoon.

According to police reports, Jimboy Magsino Lora and Jericho Compra Lora were looking for mobile signal that Saturday afternoon resulting them to go out of their house in Barangay Patag Ilaya, in Sta. Elena. They sat near a tree in a high part of the mountain where the lightning struck.


Their bodies were burned beyond recognition as well as their mobile phones when they were found. As of writing, these are the only details the police of Cam arines Norte released.

Do lightning strike the highest point?

Contrary to popular belief, lightning does not always strike the highest point that it can. It just do so normally, because the highest point, the tree where the cousins sat for example, provided the easiest access for the lightning to reach the ground.

If the boys were playing in one of the highest point of the mountain, and then were sitting near another high object, then it makes sense that they got struck when the lightning struck.

While nobody wanted this to happen, may this be an example for those who are too dedicated to their online gaming. Yes, online games are good hobbies but when it comes to your life, nothing is more important. Choose your life instead of the less than 10-minute game that you might lose if you go find safety. Choose safety. ALWAYS.

Source: CNN Philippines

Mobile Legends Leaked: Selena Skin For October 2019 Starlight?

7:31 AM
Mobile Legends Leaked: Selena Skin For October 2019 Starlight?

Selena, the dominant two-form magic assassin. A mage-assassin who possesses two different forms, featuring strong ranged magic attack and close-handed melee combat.

Because of the power bestowed upon her by the Moon God and the Abyss, Selena can switch freely between her two forms. Skill used in her Elven form will attach Abyssal Marks to her enemies, and skill used in Abyssal form will consume these marks to deal 390~600 (+50% Total Magic Power) bonus magical damage.


Currently, Selena has three skins, the Wasp Queen, Virus and Gemini - Shadow. Fans of ML over social media is going crazy for her upcoming starlight skin.

Though not yet confirmed, reports say that October Starlight will showcase Selena. Check out below leaks: