Alex Calleja, N4gulat sa Sulat na Pinadala ng Car Company, "Akala ng misis ko naka-park ang kotse ko sa ibang bahay" - The Daily Sentry


Alex Calleja, N4gulat sa Sulat na Pinadala ng Car Company, "Akala ng misis ko naka-park ang kotse ko sa ibang bahay"




Si Alex Calleja ay isang stand-out comedian sa Pilipinas at sigurado marami na sa inyo ang nakakita ng mga nakatuwang episode niya sa isang sikat na car company, ang Ford Philippines.

Base sa viral Facebook post ni Calleja, nakatanggap daw siya ng sulat mula sa Ford Philippines dahil binabawi na nito ang Ford ranger/Everest dahil ang unit ay depektibo na. Ngunit sabi ni Calleja, siya ay nagtataka kung bakit siya nagkaroon ng ganon sasakyan kung wala naman ganoong klase ng sasakyan sa kaniyang garahe.

Saad pa ni Calleja na siya ay nagulat pati na din ang kaniyang misis sa natanggap na sulat. Kung saan, tinatanong siya ng kaniyang asawa na baka may binili siyang Ford Everest ng hindi niya alam at tinatago lamang ito sa ibang bahay.
Larawan mula sa FB post ni Alex Calleja
Base sa manunulat at standup comedian,

“Nakatanggap ako ng safety recall notice dahil def3ctive daw ang ford ranger/everest ko… nag-worry ako dahil wala naman akong ford ranger/everest!”
Larawan mula sa Facebook account ni Alex Calleja
Biro pa niya,

“At ngayon, inaaway ako ng misis ko dahil bakit daw ako may ford ranger/everest na hindi niya alam! Baka raw naka-park sa ibang bahay! Baka may bahay din daw siyang hindi alam!”

Sabi pa ni Calleja na sana daw ay wag ng sirain ng ford philippines ang kaniyang buhay kung sira naman ang mga unit nito.

Biro pa ng writer ng sikat na noontime show na It's Showtime, na siya ay natulog sa kaniyang Honda civic dahil sa pagdududa ng kaniyang asawa.

Sa kabilang banda, maraming mga netizens ang natuwa sa pagbibiro ni Calleja kung saan ito ay umabot ng 15,000 shares, higit sa 3,600 na komento, at higit 78,000 na reaction mula sa mga netizens.

Ngunit, hanggang ngayon, ay nananatili pa ding tahimik ang nasabing car company at hindi pa sinasagot ang viral post ni Calleja. Samantala, wala pa ring update si Calleja sa kaniyang Facebook account kung sinagot na nga ba siya ng Ford Philippines.

Source: Alex Calleja's FB Page