Buntis na bride, namatay ilang minuto bago ikasal - The Daily Sentry


Buntis na bride, namatay ilang minuto bago ikasal



Image from Goncalvez's Instagram
- Isang bride ang pumanaw mismong araw ng kanyang kasal

- Nangyari ito ilang sandali lamang bago ang seremonya 

- May dinadala ang nasabing bride nang mangyari ito

Sa halip na isang masayang selebrasyon ang maganap sa araw ng kasal ng mag-nobyo, nauwi ito sa hindi inaasahang pangyayari,  ayon sa ulat mula sa Inquirer.

Sa mismong araw ng kasal ni Flavio Goncalvez at Jessica Guedes, pumanaw si Guedes na noon ay pitong buwang buntis.

Ilang minuto bago pa makalakad patungo sa altar ang nasabing bride, nawalan na ito ng malay habang nasa loob ng isang limousine.

Naghihintay sa altar ang groom na si Goncalvez ng mangyari ang trahedya.

Dala ng pagkabigla, napasugod si Goncalvez sa tabi ng kanyang bride nang malaman ang nangyari.

Buhay pa si Guedes ng maabutan ito ng groom. Habang nasa sasakyan, nasabi pa ng babae kay Goncalvez na masakit ang likod ng leeg nito.

May heartbeat pa ang babae ngunit ideneklara rin itong brain dead pagdating sa ospital.

Doon na napag-alaman na ang dinanas ni Guedes ay preeclampsia o isang nakamamatay na disorder. Nagpapataas ito ng blood pressure at maaaring magdulot ng stroke.

Para maagapan ng mga doktor na hindi malagay sa alanganin pati ang sanggol na dinadala nito, isinailalim agad sya sa cesarean section. Nagkaroon ng internal bleeding si Guedes kung kaya't kinailangang makuha ang sanggol sa sinapupunan nito agad-agad.

Samantala ang bagong silang naman nilang anak na si baby Sophia ay kasalukuyang nanatili muna sa neonatal intensive care unit dahil ito ay premature ng isinilang.

Flavio Goncalvez at Jessica Guedes. Image from Goncalvez's Instagram
Image from Goncalvez's Instagram

Image from Goncalvez's Instagram
Si Flavio Goncalvez at Jessica Guedes ay mga kapwa taga-Brazil.


Source: KAMI