Pulis, nag-amok sa isang driver matapos syang businahan sa kalsada - The Daily Sentry


Pulis, nag-amok sa isang driver matapos syang businahan sa kalsada



- Isa na namang pulis ang sangkot sa road rage incident

- Nakunan ng driver ang pangyayari

- Pinagbantaan ng pulis ang driver kung hindi nito buburahin ang video

Kumakalat ngayon ang isang video kung saan makikitang isang lalaki ang nag-amok sa tila truck driver.

Ayon sa caption ng netizen na nagngangalang Nager Cabalhug, naganap ang insidente along Maharlika Highway.

Paliwanag nya, biglang nag-overtake ang nasabing driver sa kanan na syang maituturing na blind spot. Sabi pa ng lalaking nag-overtake sa kanya, imbestigador ito sa naturang lugar.

"Along maharlika highway bigla nalang omuvertake sa kanan si manong imbestigador kaya binusinahan ko kasi nasa blind spot kasi sya." aniya sa caption.

Dagdag pa nito, pagbaba ng sasakyan ng galit na driver, sapilitan nitong binubuksan ang pinto ng kanilang minamaneho. Nang akmang bubunot ng baril ang lalaki, nagawang makuhanan agad ni Cabalhug ng video ang pangyayari.

"Biglang bumaba sa sasakyan nya galit na galit pilit nya binubuksan ang pinto ko tapos bung akma na syang bubunot ng baril sa bag nya nagvedio agad ako." ika ni Cabalhug.

Hinanakit ng naagrabyadong motorista, "Pag pulis pala pwde na maghariharian sa kalsada ngayon?"
Image from Cabalhug's Facebook
Base sa video na kumakalat, makikita ang matapang na asta ng lalaking pulis na nag-overtake diumano.

Depensa ni Cabalhug sa kanya, nasa right of way ito kung kaya't may karapatan syang bumusina sa nag-overtake na nasa blind spot bilang pag-iingat.

Sagot ng lalaki sa kanya: "Gusto mo kaladkarin pa kita dyan? Kakasuhan kita ha!" banta nya.

Nang tanungin nya kung ano ang ikakaso sa kanya, ang naisagot na lamang nito ay "Tara sa Munisipyo!"

"Imbestigador ako dito!" sabi pa nito.

Angal ni Cabalhug: "Ba't ko naman ibibigay sir eh hindi naman kayo authorized dito? Hindi naman kayo naka-uniform sir eh, 'di ba?"

Maririnig pa na minura ng galit na lalaki si Cabalhug kung saan sinagot nya ito: "Eh maririnig naman natin yang mga pinagsasabi nyo sir, okay lang. Walang problema sir."

Dito na nagsimulang maghurumentado ang nag-claim na pulis dahil sa nakitang video at sinabing: "Buburahin mo yan o ano!"

"For safety ko 'to, diba? Mahirap na!", paliwanag ni Cabalhug.

"Kaya nga, para matapos na tayo burahin mo yan!" sagot ng galit na lalaki.

Natapos ang video sa kanilang usapan kung saan pilit na pinabubura ng nag-amok na lalaki ang nakunang pangyayari sa kanyang telepono.
Nager Cabalhug. Image from his Facebook
Source: Official: Caught On Camera