Pinoy, nagpatiwakal matapos paslangin ang pinay na dating asawa - The Daily Sentry


Pinoy, nagpatiwakal matapos paslangin ang pinay na dating asawa




- Nagpakamatay ang isang pinoy sa Hawaii, USA

- Kinitil nito ang kanyang buhay matapos nyang paslangin ang dating asawa

- Malalim ang naging ugat ng krimen

Pumanaw ang isang pinay sa kamay ng sarili nitong asawa. Ito ay matapos syang barilin ng kinilalang suspek na si Marcos Villaspir habang sya ay nasa kanyang trabaho.

Ayon sa ulat mula sa GMA News, si Villaspir ay dating asawa ng biktima na si imelda.

Naganap ang karumal-dumal na krimen Huwebes ng hapon.

Bigla na lamang umanong pinuntahan ni Villaspir ang dati nitong asawa sa pinagta-trabahuhang nyang home care facility.

Pinaputukan agad ng dating asawa si Imelda nang makita nya ito, saka nagbaril sa sarili.

Sa ospital na binawian ng buhay si Imelda samantalang idineklara namang dead on arrival ang suspek na pinaslang din ang sarili.

Ayon sa mga awtoridad, "uncontested divorce" case ng dating mag-asawa ang isa sa mga anggulong tinitignan na naging sanhi ng krimen.

Noong nakaraang buwan lamang diumano napawalang-bisa ang kasal ng dalawa.

Sa kasulukuyan ay patuloy pa rin ginagawang imbestigasyon ukol sa naganap na karumal-dumal na krimen.

Source: KAMI