Annabelle Rama may warning kay Gretchen Barretto - The Daily Sentry


Annabelle Rama may warning kay Gretchen Barretto



Sa isang interview ng entertainment columnist na si Alla Diones sa kaarawan ni Annabelle Rama, binalaan niya si Gretchen Barreto na handa siyang giyerahin ang sino mang kakanti sa kanyang mga anak.
Annabella Rama at Gretchen Barretto / Composite photos from Philippine Star and Cosmo

Ito ay matapos pasaringan ni Gretchen ang anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez kamakailan sa social media.

"It's not worth it. Pero 'pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino, ano?" pahayag pa ni Annabelle.

"Ayoko nang magsalita pa kasi tumahimik naman siya, e. Kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko."

Ayon kay Annabella, wala raw siyang nakikitang mali sa naging komento ni Ruffa sa larawan na ipinost ni Jula Barretto sa kanyang Instagram.

"Of course, pinagtanggol ko lang anak ko kasi wala naman siyang masamang comment against anybody. Sabi lang niya fresh, di ba?"

Ganun pa man, ayaw na raw pahabain pa ni Annabella ang usapin ng gusot sa pagitan ng kanyang anak at sa pamilya ng mga Barretto.

Kamakailan lamang ay tinawag ni Gretchen si Ruffa na ‘sawsawera’ matapos nitong magkomento sa larawan ni Julia.

Mensahe ni Ruffa: "Freshhhhhh (starstruck emojis)"

Hindi ito nagustuhan ni Gretchen at tinawag si Ruffa na Sawsawera. 

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more “Ruffy!! take it take it “WOW!!”


***
Source: ABS-CBN News