Atong Ang nagsalita na patungkol sa totoong relasyon nila ni Nicole at Gretchen - The Daily Sentry


Atong Ang nagsalita na patungkol sa totoong relasyon nila ni Nicole at Gretchen



Nagsalita na ang businessman na si Atong Ang pagkatapos madawit ang kanyang pangalan sa issue ng hidwaan nina Gretchen Barretto at pamangkin nitong si Nicole Barretto.
Gretchen Barretto, Atong Ang and Nicole Barrtto / Photo from ABS-CBN News

Sa Instagram ni Nicole, sinabi nitong inagaw daw ni Gretchen ang kanyang boyfriend - at ang tinutukoy na boyfriend ni Nicole ay si Atong Ang.

"I just want to inform you that I wasn't thrown to the states. I was there to move on from what gretchen and atong did to me. I'm stating the fact that my own aunt stole my boyfriend,” ani Nicole.



Sa isang report ng ABS-CBN News ay nagbigay na kanyang panig si Atong Ang:

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.
Atong, Nicole, Claudine and Gretchen / Photo from PEP

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”


***
Source: ABS-CBN News