Julia Montes, Nagkita ng kanyang Ama sa Unang Pagkakataon - The Daily Sentry


Julia Montes, Nagkita ng kanyang Ama sa Unang Pagkakataon



Larawang pinagsama mula kay Julia Montes/Instagram
Kilala sa pangalang Julia Montes, ang kanyang tunay na pangalan ay Mara Hautea Schnittka. Isa syang sikat na aktres dito sa Pilipinas na merong lahing German. Sa pagkakaalam ng marami, si Julia ay lumantad sa mga teleserye at pelikula neto lang sa pagkadalaga nya. Lingid sa kanila, si Julia ay lumabas na sa Goin Bulilit.

Bukod pa rito, ginampanan nya rin ang isang role sa Clara del Valle at ang dating classic telenovela na muling ginawa, ang Mara Clara. Sya ay ipinanganak noong Marso 19, 1995.

Kasama pa ang ibang ngayo’y sikat na artista, si Julia ay hindi mapagkakailang’ isang napakahusay sa pag-arte sa kadahilanang ang mga nakakasama nya dati ay naging sensational ngayon tulad ni Kathryn Bernardo. Pagkatapos ng kanyang kontrata dito, halos bumuhos na ang biyaya sa aktres dahil sa halos sumunod sunod na ang mga proposals sa kanya.
Larawan mula kay Julia Montes/Instagram
Bukod dito, ang lalong nagpa-igting ng kanyang kasikatan ay tambalan nila ng aktor na si Coco Martin. Sa ngayon, kilalang kilala eto sa pag-ganap nya bilang si Cardo ng teleseryeng Ang Probinsyano, na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa telebisyon makalipas ang ilang taon. Samo’t-samong isipin naman sa mga fans kung ang dalawa ba ay may relasyon. Pero sinagot naman nila eto na wala naman talaga at tamang chismis lang ang mga yaon.

Ngunit kumalaonan, may mga kakaibang tsismis na naman na lumalabas tungkol kay Julia. Eto’y tungkol sa kanyang pag-alis sa Pilipinas dahil sya daw ay buntis. Pero eto ay nalinaw na at walang katibayan ang mga taong nagkalat neto.

Lingid sa kaalaman ng publiko at ng mga netizens, ang dahilan ng pag –alis ni Julia sa Pilipinas ay para hanapin nya ang kanyang ama na nabalitang nagkita na sila sa unang pagkakataon. Malugod na ibinahagi nya eto sa social media.
Larawan mula kay Julia Montes/Instagram
Pahayag ni Julia sa nai-lathala nyang larawan na kasama pa ang kanyang ama sa social media – “Every Europe trip mapa show or shooting sa ibang bansa lagi kong iniisip kalian ko kaya makikilala ang papa ko… Nanalig at naniwala lang ako na kapag para sa akin ibibigay yun ng Dyos sa oras nya..Ngayon lagi ko na siyang kasama samantalang pinagarap ko lang Makita at makilala ang papa ko noon.”
Larawan mula kay Julia Montes/Instagram
Bakas sa mukha ni Julia ang matinding kasiyahan na makikita sa larawan. Hanggang dito, ang pinaka sariwang balita tungkol sa aktres ay hindi pa nailalabas bukod sa matalik netong kaibigan na si Chokoleit. Dagdag pa dito, ang magandang balita sa career nya, marami pa ring mga fans si Julia at talagang interesado pa rin ang mga eto sa kanyang buhay para subaybayan.

Source: Recovery Crate