Kim Chiu, Nakasakay Ulit sa Eroplano na ang Piloto ay ang kanyang Kapatid - The Daily Sentry


Kim Chiu, Nakasakay Ulit sa Eroplano na ang Piloto ay ang kanyang Kapatid



Larawang pinagsama mula kay Kim Chiu/Instagram
Si Kimberly Sue Yap Chiu, kilala bilang si Kim Chiu, ay isang Chinese-Filipino na aktres na nakilala dahil sa kanyang walang kamatayang ngiti. Halos sa palagi nating nakikita eto sa mga TV shows at iba pang mga pelikula, ang maaalala talaga ng madla sa kanya ay ang kanyang ngiting nakakahawa. Kung baga, ang ngiting eto ni Kim Chiu ay nakapagbibigay kasiyahan sa mga tao.

Ipinanganak si Kim noong April 9, 1990, at bukod sa pag-aartista, eto rin ay singer at recording artist. Sa mga nagdaang taon, natunghayan ng maraming fans si Kim bilang isang TV host. Sa showbiz, tinawag etong Chinita Princess at minsan, napuri sya bilang Princess of Philippine Movies and TV.

Kung ating babangitin para sa kaalamn ng nakararami, si Kim ay may Youtube channel na kung saan ay doon nya naibabahagi ang kanyang karanasan sa kanyang mga byahe. Nabalita na ang aktres na eto ay bumisita sa kanyang kapatid na lalaki sa Canada.  Ang kapatid nyang si John, ay isang piloto at talga namang gusting gusto na niyang Makita eto.
Larawan mula kay Kim Chiu/Instagram
Bukod sa nasasabik syang Makita eto ay talaga namang ipinagmamalaki nya ang naabot ng kanyang kapatid at saw akas, kahit nakasama na sya dito na ang kapatid nya ang mismong piloto ng eroplano, tila hindi pa eto sapat kay Kim; hanggang ngayon ay sabik na sabik pa rin syang lumipad kasama ang piloting kapatid. Lalong naging emosyonal ang lahat nang ipakilala ng kapatid na piloto ang kanyang girlfriend.

Sa kanyang Instagram account, naghayag si kim ng caption – “ganito pala ang feeling ng may anak ka tas pinakilala yung jowa!!! Waaaaahhh!!!.. #mixedemotions”.

Samantala, hindi naman sya nag-aksaya ng oras sa Canada. Kahit sa maikling panahon ng pamamalagi ni Kim doon ay sinulit nya ang mga oras na magkasama sila sa pamamasyal sa mga lugar doon.
Larawan mula kay Kim Chiu/Instagram
Dagdag pa niya - Glad I took this side trip!!! It was short but definitely an awesome trip with these lovely people!!! never a dull moment, just visited my brother here but found a family here. thanks a lot guys!!! FROM GANG TO FAM REAL QUICK!!!.”
Larawan mula kay Kim Chiu/Instagram
Para sa mga fans na nagsusubaybay sabuhay ng kanilang iniidolo, natuwa sila dahil bukod sa ngiting pinapakita ni kim sa publiko, mas lalong nadagdagan eto nong nagkita sila ng kapatid neto.

Source: Recovery Crate