Sanggol na pumanaw, hinukay dahil nadinig umano na umiiyak - The Daily Sentry


Sanggol na pumanaw, hinukay dahil nadinig umano na umiiyak



Larawan mula sa GMA News
Ayon sa naging ulat ng  GMA News "Saksi", naging palaisipan sa magulang at mga kapitbahay ng isang limang-buwang-gulang na sanggol sa Zamboanga Del Sur matapos mabuhay ito isang araw matapos ibaon sa lupa sa isang pribadong lote malapit sa kanilang bahay.

Si baby James Encarnacion ay pumanaw dahil sa sakit na aspiration pneumonia, hypernatrimic dehydration at severe sepsis.

Ayon sa mga nakasaksi, madaling araw matapos ilibing ang bata ay nagulat na lamang ang mga kapitbahay nang may marinig silang umiiyak na sanggol.

"Nag-alala ako kung bakit may batang umiiyak sir eh madaling araw na kaya ginising ko yung kasama ko." ayon sa kapitbahay.
Larawan mula sa GMA News
"Totoo yan, narinig ko ang boses ng bata. Nagtanong-tanong nga si mareng kung sino yung mga anak nila na umiiyak tapos wala naman." dagdag ng isa pang kapitbahay.

Kaagad namang ipinaalam ng mga kapitbahay ang pangyayari sa mga magulang ng bata kung kaya naman agad nilang hinukay ang sanggol at iniuwi sa kanilang bahay.
Larawan mula sa GMA News
Ayon pa sa magulang, wala namang amoy ang sanggol at hindi rin nakitaan ng pangingitim ng balat at mayroon pa umanong pintig ang pulso.

Makikita naman sa litrato ng sanggol na nakapikit at tila may luha pa sa mga mata habang may feeding bottle sa bibig.

Agad namang nakarating sa alkalde ng Guipos ang pangyayari at agarang nagpadala ng health unit upang masuri ng mabuti ang naturang sanggol.


Ayon naman sa public health nurse na sumuri, malamig na bangkay na ang sanggol nang madatnan nito.

Dagdag pa ng nurse, nangingitim na ang balat at wala na talagang pulso si babay James ng datnan nito.

Pagdidiin pa ng nurse na tumingin sa sanggol, mahirap umanong paniwalaan ang sinasabi ng pamilya ang mga kapitbahay na muling nabuhay si baby James mula sa kanyang libingan.

Muling inilibing ang sanggol nang makumbinsi ang pamilya na wala na talagang buhay si baby James.

****

Source: gmanetwork.com