Fearless netizen, bumwelta sa mga bashers ni Raffy Tulfo: You can never put a GOOD MAN DOWN - The Daily Sentry


Fearless netizen, bumwelta sa mga bashers ni Raffy Tulfo: You can never put a GOOD MAN DOWN



Kaye Isabella J. Dy at Raffy Tulfo
Patuloy parin ang kontrobersyang kinakaharap ng programang Raffy Tulfo in Action matapos ang isang episode kung saan ay inireklamo ng lola at ina ang isang guro ukol sa pamamahiya at pananakit umano nito sa kanyang estudyante.

Naging mainit ang isyung ito at umani ng samu't saring reaksyon galing sa mga netizen.

Maging ang host ng programa na si "idol" Raffy Tulfo ay hindi nakaligtas sa kaliwa't kanang batikos ng mga netizen dahil sa biglaang paghatol nito sa gurong inakusahan ng umano'y pamamahiya at pananakit sa kanyang estudyante.


Maraming netizens ang hindi natuwa sa episode na ito ng programa dahil hindi umano dumaan sa tamang proseso ang ginawang desisyon ni idol Raffy.

Dahil dito, agad namang nagpakumbaba si idol Raffy sa mga netizens at aminado naman na mayroon siyang pagkukulang at nagawang maling desisyon.
Larawan mula sa Most Trending PH

“I am going to listen to the netizens, kasi nga naman kung wala yung mga netizens eh wala din tayong show, so having said that I guess, ang gagawin ko nalang ay etong si teacher at itong parent ng bata ay pagbabatiin ko nalang,” ani Tulfo.

“May point nga naman sila na very harsh yung desisyon na pag-resignin yung teacher, although si teacher, she really admitted na meron siyang pagkakasala doon,” dagdag niya.

Hindi maitatanggi na madami talaga ang hindi sumang-ayon sa naging resulta ng episode na ito, ngunit madami parin naman ang naniniwala na mga solid supporters ni Raffy Tulfo na handa siyang ipagtanggol mula sa mga bashers nito.

Isa na rito ang isang netizen na si Kaye Isabella J. Dy, kung saan ay idinaan nito ang kanyang pagsuporta sa isang Facebook post kung saan mayroon kasamang mga litrato ng pagbisita ni Tulfo sa isang pre-mature baby na hindi niya kaano-ano o kakilala.

Ayon sa post ni Kaye, kahit sobrang busy ni idol Raffy ay nagawa parin nitong bisitahin sa hospital ang baby upang makausap ang doctors at makita ang kalagayan ng bata.
Kaye Isabella J. Dy / Larawan mula sa Facebook
Inisa-isa rin ni Kaye ang mga nagawang kabutihan ni idol Raffy at kung bakit personal siyang humahanga kay sakanya at sa pamilya niya.

"For all you know, personal po nilang pera ginagamit para makatulong sa kapwa. When in fact pwde naman niya yun gamitin sa pamilya lang niya pero dahil ganon na lamang ang pagmamahal niya sa mga kababayan natin, pinipilit po niyang makatulong sa abot ng kanyang makakaya." ayon kay Kaye.

Basahin ang buong post ni Kaye sa ibaba:

*Mr. Raffy Tulfo*

This photo was taken during his visit to a pre-mature baby na HINDI NIYA KAANO ANO o KAKILALA.

Despite of his busy schedule at oras SANA sa pamilya niya, sinadya po niya ito sa hospital upang personal na makausap ang doctors at para makita ang sitwasyon ng bata.
Larawan mula kay / Kaye Isabella J. Dy
Question, nagawa niyo na ba? 😊

Eto po ang isa sa mga rason kung bakit “personal po akong HANGA sa kanya at sa kanilang pamilya”

Maraming sinakripisyo sa pamilya para sa IBANG TAO.

WHO ARE WE TO JUDGE?

For all you know, personal po nilang pera ginagamit para makatulong sa kapwa. When in fact pwde naman niya yun gamitin sa pamilya lang niya pero dahil ganon na lamang ang pagmamahal niya sa mga kababayan natin, pinipilit po niyang makatulong sa abot ng kanyang makakaya.

-ilang tao na ba ang natulungan niya?

-ilang kababayan ba natin ang nabago na ang buhay dahil natulungan niya?

-ilang tao na ba ang nadepensahan niya? Ang pinag tanggol niya?

-ilang pamilya na ba ang natulungan niya?

-ilang mga kababayan nating mga minamaltrato sa ibang bansa ang napauwi niya?

-ilang tao na ang pinagmalasakitan niya?

-ilang mga kababayan na nating mga mang gagawa ang nakakuha ng hustisya sa mga mapang api at mga mapag samantala nilang mga amo?

-ilan na ba sa tingin niyo ang napa hospital niya?

-ilan na ba ang nabigyan niya ng hanap buhay?

-ilan na ba ang nabigyan niya ng pamasahe para makauwi sa kanya kanya nilang pamilya?

-ilan na nga ba ang naloko at nakakuha ng katarungan at aksyon ng dahil sa mga ginagawa niya?

-ilang bata na ba na aabuso ang natulungan niya?

JUDGMENTAL PEOPLE may only know a little. Pero kami pong nakakakilala sakanila ng pamilya niya, nakakasalamuha sila, WE KNOW A LOT.

Sa totoo lang po, para sa kaalaman ng lahat, mas marami po silang natutulungan OFF cam.

Isang karangalan po ang makakilala at makasama ng isang taong TUNAY NA MAY PUSO AT MALASAKIT PARA KAPWA.

FYI, si Mr. Raffy Tulfo po ay isang ordinaryong tao at HINDI POLITIKO. Pero hindi hingid sa kaalaman ng nakararami na madami na siyang natulungan at pinag malasakitan.

You can never put a GOOD MAN DOWN.

Ang Tunay na Action Man ng Pilipinas!

Ituloy niyo lang po ang pag tatanggol at pagmamalasakit sa mga naapi, IDOL RAFFY! Mabuhay po kayo!

#ProTULFOako
#TeamRaffyTulfo

****