Isang magiting na pulis, suportado sa mga guro: "Naging pulis ako dahil sa teacher ko" - The Daily Sentry


Isang magiting na pulis, suportado sa mga guro: "Naging pulis ako dahil sa teacher ko"



Pulis na si Jawad Kiram at si Gng. Melita Limjuco
Talaga namang usap-usapan parin ngayon sa social media ang issue ng gurong ipina-Tulfo na si Gng. Melita Limjuco.

Marami ang nagpahayag ng kanilang suporta sa guro at sinabing hindi deserve ni Teacher Melita ang mawalan ng trabaho.


Isang pulis din ang nagsaad ng kanyang opinyon at naghayag ng suporta sa guro. Sa kanyang Facebook post, sinabi ng pulis na si Jawad Kiram na utang nya ang pagiging pulis niya sa kanyang guro.

"Naging PULIS ako dahil sa mga Teacher ko," sabi ni Jawad.

Pulis na si Jawad Kiram
Dagdag niya, dapat pasalamatan ang ating mga guro at huwag magreklamo kung napapagalitan nila tayo.

"Kaya magpasalamat tayo sa mga teacher natin, wag tayo magreklamo kung napapagalitan nila tayo kasi kasama na yun sa pagdidisiplina sa atin," sabi ni Jawad.

Ipinakita rin niya na nasa panig siya ng gurong si Gng. Melita. "I stand with Teacher Melita Limjuco," aniya.


Nagpasalamat rin siya sa mga naging guro niya sa Marawi. "Gusto ko magpasalamat sa mga teacher ko sa MARAWI CENTRAL ELEMENTARY PILOT SCHOOL AT MARAWI CITY NATIONAL HIGH SCHOOL," dagdag ni Jawad.

Sa isa pa niyang Facebook post, nagpakita siya ng larawan ng klase ng pagdidisiplina noong panahong nag-aaral pa siya.

Litrato mula sa Facebook post ni Jawad
"Isa ka din ba sa nakaranas nito. kung oo napakaastig ng kabataan mo.. isa guhit pabalik sa kung pano tayo hinubog ng ating mga guro sa tamang disiplina..," ayon sa kanyang Facebook post.

"Ako nga pinalo ako ng titser ko at sinumbong ko sa magulang ko, sabi lng nila sa akin buti nga pasaway ka kasi,may dagdag batok pa. Haha. Batang 90's Kaway kaway naman kayo jan," pagtatapos ni Jawad.

Source; Jawad Kiram / Facebook