5 pulis, tinulungang mag-ani ng palay ang isang matanda sa Pidigan, Abra - The Daily Sentry


5 pulis, tinulungang mag-ani ng palay ang isang matanda sa Pidigan, Abra



Larawan mula sa post ng Pidigan MPS
Hindi mga baril kundi mga panabas ng palay ang kanilang hawak-hawak.

Puno ng pagpupuri at paghanga ang naging kabayaran sa angking kabutihang loob na ipinakita at ibinahagi ng isang grupo ng kapulisan sa isang Nanay na mag-isang mano-manong inaani ang kanyang palay.

Naging maingay at mainit ngayon sa social media ang mga larawan na kumakalat kasama ang mga kapulisan.

Sa mga ibinahaging larawan, makikita ang ang pagtutulong-tulungan ng mga kapulisan sa pag-ani ng palay.


Ayon sa naturang post mula sa Pidigan Municipal Police Station, nagsagawa lamang ang mga ito ng kanilang pagpapatrolya sa isang bayan ng Pidigan, Abra na pinangungunahan ni Police Captain Facundo Guinsad ng makita nila ang isang ginang na nasa gitna ng kanyang palayan at mag-isang nag-aani.

Larawan mula sa post ng Pidigan MPS
Larawan mula sa post ng Pidigan MPS

Kaya agad naman na bumaba P/Capt. Guinsad, kasama ang kaniyang apat pang kapulisan upang tulungang mag-ani ang ginang.

Ayon pa sa kanila, isa itong paraan upang sila ay mas lalo pang mapalapit at makakasalamuha ang mga residente sa lugar na kanilang pinagseserbisyohan.

Dagdag pa nila na ang kanilang pagtulong sa isang ginang ay pagpapakita at pagpapatayog ng kulturang bayanihan sa anumang oras at panahon.


Umani sila ng nag-uumapaw na paghanga at pagpapasalamat ang kanilang pinapakitang kabutihan mula sa netizens:

Larawan mula sa post ng Pidigan MPS

Rebecca Toyoken Labiang S - Humanity at its best...my snappy salute to you sirs! May God be with you always.

Chris Kyle - Snappy salute to these uniformed men who has gone beyond the bounds of their duties. Setting an example to many how to serve the community.. Godbless

Ors Chav Camps - Heto nagpapakita ng tunay na pagiging makatao ng mga Pulis natin jan sa Pidigan. My snappy salute to all of you Sirs!!

***

SourcePidigan MPS

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!