Modus ng lalaking nagpapapahid ng semilya ibinahagi ng isang kolehiyala - The Daily Sentry


Modus ng lalaking nagpapapahid ng semilya ibinahagi ng isang kolehiyala



Nagbabala ang isang netizen sa mga kapwa niya babae na mag-ingat sa daan lalo na kung alanganing oras na. 
Larawan mula sa Facebook post ni Nalah

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Nalah Athena Dy ang kanyang nakakatakot na karanasan habang nag-aabang ng taxi pauwi sa kanilang tahanan.

Kwento ni Nalah, habang nag-aabang siya ng taxi sa SM North ay may lumapit sa kanyang lalaki at sinabing may sumusunod raw sa kanya.

"miss may sumusunod na lalaki sa inyo hindi niyo po ba nahalata,” bulong raw ng lalaki kay Nalah.

Nagtaka naman ang babae dahil from time to time ay lumilingon naman siya sa kanyang likuran at wala namang napapansing kakaiba.

Nagsalita ulit ang lalaki at sinabi kay Nalah na merong ipinahid sa kanyang bag, likuran at balikat.

True enough paghawak ko meron nga and may bakas ng kamay and tinuro niya yung likod pati shoulder ng uniform ko. May tamod,” kwento ng netizen.
 Larawan mula sa Facebook post ni Nalah

 Larawan mula sa Facebook post ni Nalah

Larawan mula sa Facebook post ni Nalah

Napaiyak na lamang sa takot ang babae habang nanginginig. Nagmabuting loob raw ang lalaking nakapansin nito at hinanapan siya ng tissue upang ipamunas.

Sa kabila ng mabuting pinapakita ng lalaki ay hindi maiwasan ng netizen na mapaisip at tila may nangyayaring mali. Hindi pinapatawid ng lalaki si Nalah sa kabilang kalsada sa kadahilanang nandoon pa rin daw ang taong gumawa sa kanya nito.

At dahil meron ng kakaibang nahahalata si Nalah ay lumayo na siya sa lalaki at lumipat sa lugar na may mas maraming taong nag-aabang ng masasakyan.

Madilim parin pero at least mas safe. All the while sinusundan parin ako ni kuya. So todo kapit na ako sa gamit ko and umiiyak. Sabi ni kuya isasakay nalang daw niya ako sa taxi kasi gusto daw niya ako makita na safe,” kwento ni Nalah.

Maya-maya ay may huminto ng taxi kay Nalah, ngunit bago pa siya makasakay ay hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay ng mahigpit na mahigpit.

GET THIS. HINAWAKAN PA NIYA KAMAY KO AS IN SOLID HOLD HANDS GRIP. Bago niya ako pinasakay,” sabi ni Nalah.

Nang makasakay na si Nalah ay tinanong ng taxi driver kung bakit ito umiiyak at doon niya ikwinento ang nangyari. Nais pa raw balikan ng driver ang lalaki ngunit pinigilan niya ito dahil gusto na lamang niyang makauwi.

Basahin ang kanyang buong post:

“SHOUT OUT SA LAHAT NG BABAE.

Magingat ingat po tayo sa daan lalo na ganitong oras. Kakagaling ko lang ng ust papuntang sm north kasi wala na talagang biyahe papunta samin.

Habang nagaabang ako ng taxi sa sm north napansin ko na na ang dami namin nagaabang. So nagdecide ako na magabang ng taxi sa may mcdo mindanao side. Habang naglalakad ako may lumapit sakin na lalaki sabi "miss may sumusunod na lalaki sa inyo hindi niyo po ba nahalata" so nagtaka na ako kasi lumilingon naman ako from time to time and nothing unusual naman nangyayari. Sabi pa niya yung bag mo miss may pinahid. True enough paghawak ko meron nga and may bakas ng kamay and tinuro niya yung likod pati shoulder ng uniform ko. May tamod. After nun napaiyak ako sa gulat and nanginig na ako. Tapos sabi niya "ine kuha tayo ng tissue sa mcdo para mapunasan yan" hindi kami pinansin ni ate sa dessert station sinasabi lang niya wala. (Nakausap ko na si ate ang akala niya dessert hinihingi namin kasi yun daw hinihingi lagi so she assumed yun na yun and proceeded to say no) Tapos napansin na ng mga tao umiiyak ako. After nun may nahanap na tissue si kuya sa sahig.

ETO YUNG SOBRANG SKETCHY NA PART.

sabi ni kuya na dun tayo sa may poso sa veterans para malinis ng maayos yan. Tapos di niya kami pinapatawid sa may usual na tawiran so tinatanong ko na si kuya bakit di pa tayo tumawid. Sabi niya nandun pa kasi. Tapos nagkwekwento siya na pinicturan pa niya yung guy may tattoo daw. Naisip ko na na may something wrong as in pinipilit niya talaga sa may madilim kami na area. So sinabi ko na magaabang nalang ako ng taxi. All the while tinatanong niya ilang taon na ako. Taga san ako. Siguro pampakalma. After niya hindi mahanap yung poso pinunasan niya yung tamod. Tapos after nun nagthank you ako at pumunta na ako sa may area na maraming tao nagaabang ng masasakyan. Madilim parin pero at least mas safe. All the while sinusundan parin ako ni kuya. So todo kapit na ako sa gamit ko and umiiyak. Sabi ni kuya isasakay nalang daw niya ako sa taxi kasi gusto daw niya ako makita na safe siya. Nagkwento siya na may anak siya nagpakita pa siya ng picture may kasama siya na batang babae din. Still skeptical di ko siya masyado pinapansin ang focus ko is makauwi ako. Pumunta ako sa north ave side since mas maliwanag and less kalaban ng taxi. All the while ang daming tanong ni kuya. Siguro pagstall sakin. Di niya ako tinutulungan. Nahalata ko rin na kahit lumalayo ako dumidikit siya. So lahat na ng pwede kong ipara na taxi pinapara ko na. Buti nalang may huminto at pinasakay ako. GET THIS. HINAWAKAN PA NIYA KAMAY KO AS IN SOLID HOLD HANDS GRIP. Bago niya ako pinasakay. Pagpasok ko ng taxi umiyak ako. Wala ako matawagan kasi 0 na battery ng phone ko. Nagtaka si kuya bat ako umiyak at kinwento ko ulit nangyari. Nagalit si kuya gusto niya balikan sabi ko wag na gusto ko na umuwi please. Hinatid naman ako ni kuya safely. Thank you po sobra.

MAGINGAT PO TAYO PLEASE. AS MUCH AS POSSIBLE WAG PO KAYO UMUWI MAGISA

*UPDATE LANG PO. MODUS TALAGA NI KUYA YUN AROUND THAT AREA. SAME DESCRIPTIVES SAME DIN NG SINASABI SAMIN. SADLY WALA KAMING PIC NI KUYA PERO WE WILL ALWAYS REMEMBER HIS FACE 😡 TAKE NOTE NALANG*

*UPDATE LANG PO ULIT. THEY CANT PUT THE GUY IN JAIL KASI LUMAGPAS NA RAW NG 24 HOURS. KAKAGALING KO LANG PO SA POLICE STATION KANINANG HAPON. NAPABLOTTER NA PO SIYA. STILL CONTINUING TO FIGHT FOR JUSTICE*

Narito naman ang komento ng ibang babaeng nakaranas rin ng ganitong pangyayari.
 Larawan mula sa Facebook post ni Nalah

Larawan mula sa Facebook post ni Nalah


***