Pagkatapos ng apology; Morissette Amon in-unfriend si Jobert Sucaldito sa Facebook - The Daily Sentry


Pagkatapos ng apology; Morissette Amon in-unfriend si Jobert Sucaldito sa Facebook



Sa isang artikulo ng PEP, in-unfriend raw ng singer na si Morissette Amon sa Facebook ang concert producer na si Jobert Sucaldito.
Jobert Sucaldito at Morisstte Amon / Larawan mula Youtube

Kamakailan lamang ay naglabas na ng apology note si Amon sa kanyang Instagram account patungkol sa kanyang pag wawalk-out sa isang concert. 

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sucaldito na nalungkot siya dahil akala niya ay okay na sila ni Amon.

“nakaka-sad naman at in-unfriend na ako ni ms. johanne morissette amon sa fb,” post ni Sucaldito.

“in fairness, di naman niya ako binlock. dati kasi mag-friends kami. yung ibang pics niya like yung masayang shot niya with some boys (parang semi-selfie) last november 7, 2019 at 12:09pm (the day after the controversial walk-out scene sa music museum) ay dinelete na rin niya. saya kasi ng aura niya roon - all smiles na parang di naman kasi depressed. pati yung post niya of her apology ay inalis na rin niya. ipinalit niya yung shinare kong apology niya. gayunpaman, God bless her pa rin sa depression niya kung totoo man ito. take care dear. iyon na lang ang masasabi ko,” dagdag nito.

Si Sucaldito ang manager ng baguhang singer na si Kiel Alo.

Si Sucaldito din ang producer ng birthday concert ni Kiel noong Nobyembre 6 sa Music Museum, kung saan inumpug-umpog ni Morissette sa pader ang kanyang ulo matapos siyang mainterbyu ni Mario Dumaual para sa TV Patrol.


***
Source: PEP