Panibagong biktima ng “Pre, kamusta?” trending ngayon sa social media - The Daily Sentry


Panibagong biktima ng “Pre, kamusta?” trending ngayon sa social media



Kalat na kalat ngayon sa social media ang isang conversation sa Facebook Messenger na ibinahagi ni netizen Ikade Abadiano, kung saan ibinuking niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang kumpare na itinago niya sa pangalang "Ray John".

Batay sa kanilang naging pag-uusap, siya ay kinamusta ni Ray John at nagpresinta ito na maging 'ninong' ng kanyang anak. Ngunit, matapos siyang kamustahin, nagulat na lamang siya nang biglang nangutang ito sa kanya ng halagang 7,000 pesos para daw sa birthday ng girlfriend nito.


Photo not owned, credits to the owner


Narito ang buong kwento: 







Ayon kay Ikade, mayroon pang utang ang kanyang kumpare na halagang 12,000 na hiniram din ng dati nitong nobya sa kanya na hindi pa rin bayad hanggang ngayon. Itinangging bayaran ni Ray John dahil hindi naman daw sya ang nanghiram nito.


Tuloy-tuloy pa din ang palitan nila ng chat sa messenger hanggang tumawad pa si Ray John sa presyo ng hinihiram nya. Mula 7,000 pesos, tumawad sya ng 5,000 pesos dahil plano daw nilang mag-EK o Enchanted Kingdom ng girlfriend nya.









Matapos ang kanilang pag-uusap, ayon kay Ikade, nagdeactivate si Ray John ng kanyang account sa Facebook.



Kayo po mga kababayan, naranasan nyo na din po bang kamustahin at biglang utangan?